November 22, 2024

Home BALITA Eleksyon

Labor leader Sonny Matula, muling tatakbong senador sa 2025

Labor leader Sonny Matula, muling tatakbong senador sa 2025
photo courtesy: Mary Joy Salcedo/BALITA

Muling tatakbo ang lider-manggagawang si Atty. Sonny Matula bilang senador sa 2025 midterm elections upang patuloy raw na isulong ang karapatan ng mga manggagawa sa bansa, tulad ng pagpapataas ng kanilang mga sahod.

Naghain ng certificate of candidacy (COC) si Matula nitong Sabado, Oktubre 5, sa The Manila Hotel Tent City.

"Now na ang panahon para sa pagbabago, bagong dugo at bagong mukha naman sa Senado," aniya. 

Ayon pa sa senatorial aspirant, kinakailangan ng ipasa ang wage increase nationwide bill na P150 o higit pang taas-sahod para magkaroon umano ng nakabubuhay na sahod ang mga manggagawa lalo na sa gitna ng pagtaas ng mga bilihin sa bansa.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

"Ang legislative agenda ng manggagawa ay maiwan ulit sa kangkungan kung walang boses at representasyon ang manggagawa sa Senado," giit ni Matula, na siyang pangulo ng Federation of Free Workers (FFW) at Workers' Party Philippines (WPP).

"Ngayon na ang panahon para itaas ang sahod, kilalanin ang regular na trabaho at isulong ang karapatan ng manggagawa," dagdag pa niya.

Matatandaang tumakbo si Matula bilang senador noong 2022 national elections sa ilalim ng slate ni dating Vice President Leni Robredo, ngunit hindi pinalad na manalo.