December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Gerald Anderson, kakaririn na rin ba ang politika matapos mag-viral pagtulong?

Gerald Anderson, kakaririn na rin ba ang politika matapos mag-viral pagtulong?
Photo courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (YouTube)

Natanong ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson kung papasukin na rin ba niya ang mundo ng politika.

Matunog ang pangalan ni Gerald noong kasagsagan ng mga nanalasang bagyo sa bansa sa nagdaang buwan dahil sa kaniyang pagtulong.

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue

Well, bukod sa pagiging army reservist, talagang likas daw sa jowa ni Julia Barretto ang pagtulong sa mga nangangailangan, hindi man ito ibinabalandra sa social media.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, nagbigay-tulong sa mga nasalanta ni Odette

Kaya natanong ang aktor kung sasabak na rin ba siya sa politika, kagaya ng iba pang celebrities.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Gerald, nabanggit niyang wala sa plano niya ang pagpasok sa politika.

Batid daw ni Gerald ang kaakibat na "power" kapag nasa posisyon na sa pamahalaan subalit hindi raw doon ang pagtulong na kaya niyang gawin, kundi sa paraang alam at makakaya niya. 

In fairness parang bet ng netizens at umani ng pogi points ang sagot ni Gerald na abala na sa kaniyang pagbabalik-serye para sa "Nobody."

"Gerald Anderson is a person with a kind heart and good soul.God bless you more and happiness."

"Rason ba ang pagiging viral at pag tulong sa tao para tumakbo sa gobyerno? Kung wala kang pinaglalaban na makaka benipisyo sa para bayan wag ka nalang tumakbo. Kaya tama lang yan."

"Karamihan nga dyan artista man or ordinaryong tao kahit di mag viral tatakbo parin sa election! Atleast c gerald nakatulong na nga sa maraming tao mula noon hanggang ngayon di nya ginagamit popularity nya at hindi makapal ang mukha!"