January 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Dhel Nazario via MB

Nagbigay ng opinyon si showbiz insider Ogie Diaz kaugnay sa paghahain ni Deo Balbuena o “Diwata” ng certificate of nominations and acceptance (CONA) para sa Vendors Partylist..

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Ogie na naloka raw siya na pumayag si Diwata na maging 4th nominee ng nasabing party-list.

“Siyempre dahil baguhan ang party-list na ito ni Diwata, jackpot na kung maka-isang seat sila. ‘Yong isang seat na ‘yon e pang-fourth siya,” saad ni Ogie.

Tanong naman ng co-host niyang si Mama Loi: “Kailangan maka-ilang boto para may isang seat?”“Mga 300,000-350,000 votes,” pananantiya ng showbiz insider.

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

“So, kung times 4 ‘yon, kailangan maka-1.4 million votes para siya makaupo?” usisa ulit ni Mama Loi.

“Hindi nga siya makakaupo dahil tatlong upuan lang ang ibibigay sa party-list,” giit ni Ogie. “Kaya maghihintay pa siyang ‘yong isa doon mag-resign. O ‘yong isa doon matigok. Kung makakatatlo silang upuan, ha.”

“E, pa’no kung isa lang? Tapos, ‘yong first nominee matigok or mag-resign? O, eh di ‘yong pangalawa ang uupo doon. E, pang-apat pa siya. Paano?” dagdag pa niya.

At sa palagay ni Ogie, hindi raw alam ni Diwata ang tungkol sa mga bagay na ito.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag si Diwata hinggil sa sinabi ng showbiz insider.

MAKI-BALITA: Diwata, isa sa nominees ng Vendors Partylist: 'Boses para sa maninindang Pilipino!'