Maagang inilabas ng Manila North Cemetery ang ilang mga paalala para sa mga taong pupunta sa sementeryo sa Undas.
Batay sa inilabas na paalala, mayroon na lamang 20 araw para sa paglilinis, pagpipintura at pagsasa-ayos sa mga puntod na nagsimula na noon pang Setyembre 15 at magtatapos na sa Oktubre 25.
Hindi na rin maaring tumanggap ng cremation o paglilibing paglagpas ng Oktubre 28.
Samantala, sarado na rin ang tanggapan ng Manila North Cemetery simula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3, 2024.
Muling magbubukas ang serbisyo ng cremation at paglilibing sa Nobyembre 4, gayundin ang pagbubukas ng opisina ng sementeryo.
Simula Oktubre 24 hanggang Nobyembre 4 ay bukas ang main gate ng sementeryo mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon lamang.
Simula noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4, mahigpit na ring ipinagbabawal na dalhin sa loob ng sementeryo ang alak o mga nakalalasing na inumin; flammable materials tulas ng thinner at pintura; baril at patalim; deck cards, bingo cards at iba pang gamit sa pagsusugal.Ipinagbabawal din ang magsama ng mga alagang hayop gaya ng aso at pusa.