January 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Dahil sa 'issue' tungkol sa mga Duterte: Dela Rosa, pwede raw matalo

Dahil sa 'issue' tungkol sa mga Duterte: Dela Rosa, pwede raw matalo
photos courtesy: MJ Salcedo/BALITA at Duterte Family via Ivy Tejano/MB

Maaari raw makaapekto sa senatorial race ni reelectionist Senador Ronald "Bato" Dela Rosa ang umano'y mga political issue ng mga Duterte.

Sa paghahain ni Dela Rosa ng kaniyang certificate of candidacy (COC) nitong Huwebes, Oktubre 3, itinanong sa kaniya kung makaaapekto ba sa kaniyang senatorial race ang umano'y political issue ng mga Duterte lalo't isa siya sa mga kaalyado ng pamilya.

"Yes, it may affect either way. Puwede akong manalo o puwede akong matalo dahil sa gulo na 'yan. But I am more inclined to believe doon sa mananalo tayo. May effect talaga ito, plus o minus," saad ni Dela Rosa.

"'Yung mentalidad ng mga Pilipino... nakikita nila na kapag binububog ka palagi, parang Fernando Poe Jr. ba, naaawa sa'yo 'yung taumbayan. Dapat naman talaga kaawaan dahil mga Kristiyano tayo hindi naman tayo 'yung mga bayolenteng tao. Mga Kristiyano tayo naaawa tayo sa mga taong binubugbog," dagdag pa niya. 

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

KAUGNAY NA BALITA: Dela Rosa, kinokontak daw ng ICC pero binabalewala raw nila

Kung babalikan, tila nagkaroon ng gusot sa pagitan ng mga Marcos at Duterte. 

Kamakailan lang, inispluk ni Vice President Sara Duterte na hindi raw sila magkaibigan ni Marcos at nagkakilala at nagkausap lang umano sila dahil naging running mates sila noong Eleksyon 2022.

BASAHIN: VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Tahasan at diretsahan ding sinabi ni VP Sara na hindi na siya papayag na magkaroon ng running mate na "Marcos" kung sakaling magdesisyon siyang kumandidato sa pagkapangulo sa 2028.

BASAHIN: VP Sara sa running mate na Marcos kung sakaling tatakbo: 'Never again!'