Nagbigay ng paglilinaw si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa kaniyang kandidatura para sa darating na midterm elections.
Sa Facebook post ni Arroyo nitong Martes, Oktubre 1, sinabi niya na wala raw siyang planong magkaroon ng posisyon sa senado.
“To clarify, I will not be seeking a Senate seat in the upcoming election, as I have no intention of pursuing that role again, saad ni Arroyo.
Pagpapatuloy pa niya: “I have officially declared my candidacy for a second term as Congresswoman of the second district of Pampanga, where I am committed to addressing the needs and priorities of my constituency and the province of Pampanga.”
Matatandaang 1992 nang magsimulang magsilbi bilang senador si Arroyo hanggang sa mahalal siyang bise-presidente noong 1998.
Nailuklok naman siyang pangulo noong Enero 2001 dahil sa impeachment trial ng noo'y pangulong si Joseph Estrada.
Si Arroyo ang ikalawang babaeng pangulo ng Pilipinas na sumunod kay dating Pangulong Cory Aquino.
Pero bago pa man ito, nauna na siyang nagsilbi bilang Assistant Secretary ng Trade and Industry noong 1987 at kalauna'y naging Undersecretary noong 1989 sa ilalim ng administrasyon ng babaeng Aquino.
MAKI-BALITA: BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas