Isang araw bago ang opisyal na filing ng Certificate of Candidacy (COC), inanunsyo ni Doc Willie Ong na tatakbo siya bilang senador sa 2025 midterm elections.
"Magfa-file po ako for senator. I’ll be filing for senator sa October 2, Wednesday. Nagawa ko na 'yung papeles, na-notarize ko na. Si Doc Liza, nasa airplane na ngayon... Siya magfa-file ng sa akin, pero ako tatakbo," saad ni Ong sa pamamagitan ng isang
"Tatakbo tayo. Ipapakita natin na tunay ang Diyos. This time we're gonna win this," dagdag pa niya.
Wala rin daw umanong gagastusin sa kaniyang pangangampanya.
"Gagastusin natin? Wala. P500,000 lang? Wala... 'Wag kayo magbigay kahit piso, hindi ko kailangan. Hindi tayo magpapa-under kahit kanino," saad pa ni Ong. "Pero first miracle, I have to get well. Second miracle, mananalo tayo ng walang pera. Kapag hindi nanalo, edi sorry. Pero I'll give my best shot."
Sinabi rin niya na mangangampanya siya sa pamamagitan ng social media.
Matatandaang unang tumakbong senator si Ong noong 2019 midterm elections ngunit hindi siya pinalad na manalo.
Kasalukuyang nasa ibang bansa si Ong at naggagamot sa sakit ng sarcoma cancer.
BASAHIN: Doc Willie Ong, na-diagnose na may cancer
Sa tingin naman niya, nakuha niya umano ang sakit dahil sa stress.
"Saan ko nakuha 'to? Tingin ko. stress. Kaya kayo 'wag kayong magbabasa ng comments sa Facebook. Na-stress ako sa mga comments. Na-stress ako sa mga bashers. Na-stress ako kasi hindi tunay lahat ng sinasabi dahil sobra ko kayong mahal. Sobra kong mahal ang Pilipino. Sobrang mahal ko mga mahihirap. Tapos sasabihin nila na ginagamit ko lang...," aniya.
BASAHIN: Doc Willie, nakuha raw ang cancer dahil sa stress sa comments ng bashers