January 03, 2025

Home SPORTS

PBA Player John Amores at kapatid, pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa

PBA Player John Amores at kapatid, pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa
Photo courtesy: PBA Media Bureau

Pansamantalang nakalaya ngayong Biyernes, Setyembre 27, 2024 ang basketbolistang si John Amores at nakababata niyang kapatid matapos umanong payagang makapag-piyansa. 

Sa ulat ng GMA News, naghain ng piyansa ang kampo nina Amores sa halagang ₱24,000 para sa basketbolista, at ₱10,000 naman para sa kaniyang kapatid.

Samantala, itinakda ng Korte ang arraignment at pre-trial ng kaso sa Disyembre 4, 2024.

Matatandaang kalalabas pa lamang ng resulta ng paraffin test ni John Amores ngayong Biyernes, Setyembre 27,2024, kung saan nag-negatibo umano parehong kamay niya. Bagama’t ayon sa pulisya, umano ito nangangahulugang hindi nagpaputok ng baril ang basketbolista.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

KAUGNAY NA BALITA: John Amores, negatibo umano sa gunpowder test

Matatandaang nasangkot si Amores sa insidente ng pamamaril noong Miyerkules, Setyembre 25, 2024 matapos ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan niya at ng kaniyang biktimang si Lee Cacalda dulot umano ng isang contested call sa isang liga sa Barangay Salac sa bayan ng Lumban, Laguna. 

KAUGNAY NA BALITA: PBA player John Amores sumuko sa pulisya; nahaharap sa kasong ‘attempted murder?'

Matatandaan ding emosyonal na sumugod sa Lumban Police Station ang ina ng biktimang si Lee Cacalda, kung saan nanindigan silang hindi umano nila iuurong ang kasong isinampa sa magkapatid na Amores.

KAUGNAY NA BALITA: Nanay ng nakaalitan ni John Amores, sumugod sa pulisya: ‘Sa halagang ₱4k papatayin niya anak ko?’