November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Line-up ng senatorial candidates ni PBBM, wala naman kuwenta!—Valentine Rosales

Line-up ng senatorial candidates ni PBBM, wala naman kuwenta!—Valentine Rosales
Photo courtesy: Valentine Rosales (FB)/Balita File Photo

Nag-react ang social media personality na si Valentine Rosales sa line-up ng 2025 senatorial candidates na inendorso ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 26.

Opisyal at pormal nang inanunsyo ni PBBM ang kaniyang mga magiging kaalyado sa naganap na "Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention 2024" na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Nagbabalik-eksena ang mga dating senador na sina dating Senate President at 2022 vice presidential candidate Tito Sotto III, at 2022 presidential candidates na sina Ping Lacson at Manny Pacquiao.

Umaasam naman ng re-election sina Sen. Lito Lapid, Sen. Bong Revilla, Sen. Pia Cayetano, Sen. Francis Tolentino, at kapatid na si Sen. Imee Marcos.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

Magtatangka namang makapasok sa senado sina Makati City Mayor Abby Binay, broadcast journalist at dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Erwin Tulfo, House Deputy Speaker, Las Piñas City, Lone District Rep. Camille Villar, at kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Benhur Abalos.

Binubuo ang alyansa ng limang partido gaya ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP) at National Unity Party (NUP).

Pinangunahan at sinaksihan din ni PBBM ang lagdaan ng manifesto ng mga partido para sa nabanggit na alyansa. Ito ay sina South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. para sa PFP, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa Lakas-CMD, Presidential Adviser on Legislative Affairs and Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Mark Llandro Mendoza para sa NPC, dating Senate President Manuel Villar Jr. para sa NP, at Camarines Sur 2nd District Representative Luis Raymund Villafuerte Jr. para sa NUP.

Nag-react naman ang social media personality sa comment section ng ulat ng Balita patungkol dito.

Tinawag niyang "walang kuwenta" ang line-up dahil karamihan daw sa mga kandidatong ito ay maituturing na "luma" na.

"Palitan na yan pa ulit ulit nalang sila mga wala naman kwenta! kailangan mga bagong pangalan! jusko simula bata ako hangang ngayon sila sila padin nasa pwesto TAPOS SASABIHIN NIYO BAGONG PILIPINAS???" aniya.

"BAKA LUMANG PILIPINAS KAMO! SILA SILA LANG DIN SA PWESTO NA YAN KAKA UMAY!" dagdag pa niya.   

SINO NGA BA SI VALENTINE ROSALES?

Naging matunog ang pangalan ni Valentine, hindi lamang dahil sa pagkakasangkot kasama ng iba pa sa isyu ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, kundi dahil sa naging post niya sa kasagsagan ng kampanya noong 2022 presidential elections.

Si Valentine ay mapagpahayag din sa kaniyang mga saloobing politikal, sa pamamagitan ng kaniyang social media posts. 

Nag-ugat ang isyu sa kaniyang "story time" patungkol sa "Speak Cup" sa kasagsagan ng kampanya noong 2022 national elections. Ayon sa kaniyang Facebook post, isang lalaki ang biglang pumasok sa isang sikat na convenience store para bumili ng milk tea. Inilagay raw ng lalaki ang milk tea sa "BBM Cup" na nangangahulugang UniTeam supporter ito, at tinapunan pa raw siya ng masamang tingin dahil "Leni Cup" ang hawak niya.

Hindi raw nagbayad ang nabanggit na lalaki ayon sa cashier.

"Natawa si Kuya sabi niya magnanakaw talaga tas natawa din tuloy ako at sinabi ko hayaan mo na kuya, ako nalang po mag babayad nung tumbler na yun. Sabi ni kuya salamat sir samin kasi yun ma charge eh. Sabi ko magkano ba? 35 pesos lang naman pala. Jusko ninakaw pa. Anyway share ko lang. Masama po mag nakaw kailangan po natin bumoto ng leader na may prinsipyo at di nag nanakaw."

"Sarap kaya Uminom ng Gulp sa 7/11 pag alam mong di NAKAW or UTANG yung pambayad sa cashier." mababasa sa kaniyang post.

Photo courtesy: Valentine Rosales (FB) via Balita

Marami sa mga netizen ang tila hindi naniwalang totoo ang nabanggit na story time at imbento lang daw, at isa na rito ang kapwa social media personality na si Xian Gaza. Gumanti naman dito si Valentine at nagbato rin ng buwelta laban kay Xian.

MAKI-BALITA: Xian Gaza, Valentine Rosales nagkasagutan?

Gayunman, umani ng batikos si Rosales dahil maraming netizens ang nag-claim na sarado na ang branch na binanggit ni Rosales sa post.

Napansin din kasi ng mga netizens ang edit history ng post niya na unang nakalagay na branch ay "7/11 Ali Mall Cubao" na naging "7/11 near Ali Mall branch."

Dahil sa umiinit na usapan tungkol sa naturang isyu, nakipag-ugnayan pa mismo ang Balita sa 7-Eleven noon. Kinumpirma nilang sarado ang branch sa Ali Mall Cubao na tinutukoy ni Rosales.

MAKI-BALITA: 7/11 branch na tinutukoy ni Valentine Rosales, kinumpirmang sarado ng Balita

Kalaunan ay naglabas naman ng public apology si Rosales sa pamamagitan ng isang TikTok video.

"Regarding doon, I owe up to my mistakes kaya I'm making this apology video. Gusto ko pong magsorry sa nagawa ko kasi hindi naman po talaga tama yung ginawa ko," bahagi ng kaniyang paghingi ng paumanhin.

MAKI-BALITA: Valentine Rosales: 'I realized my mistakes, hindi po talaga tama yung ginawa ko... nanira po ako ng ibang kandidato'