Maraming netizens ang nagpopost sa Facebook tungkol sa pakulo ng 7-eleven na SpeakCup para sa darating na eleksyon 2022.

Isa na rito si Valentine Rosales, kaibigan ng yumaong flight attendant na si Christine Dacera.

Ibinahagi ni Rosales sa kanyang Facebook post nitong Linggo, Marso 13, ang umano'y insidente sa isang branch ng convenience store sa Ali Mall Cubao.

Kwento niya, namimili siya sa 7-eleven nang may pumasok na lalaki sa loob at madaling-madali umanong kumuha ng drinks sa vending machine at umalis ito nang hindi nagbabayad. Nilapitan daw siya ng cashier at itinanong sa kanya kung kasama niya ba iyon ngunit itinanggi niya ito.

Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

Tinanong din siya nito kung anong cup ang kinuha nung lalaki aniya, "natawa si Kuya sabi niya “opo sir. Nakita niyo po ba anong tumbler po na kinuha niya?” Sabi ko “yes po, bat kailangan niyo po ba yun malaman?” Sabi ni kuya Cashier “opo sir. Kasi sa inventory po pag inaaudit po kami.” Sabi ko yung kay BBM po ang ni kuha niya eh."

Kuwento pa ni Rosales, siya na lamang ang nagbayad doon sa 'di umano'y kinuha ng lalaki at dito rin niya naipasok na kailangan bumoto ng leader na may prinsipyo at hindi nagnanakaw.

"35 pesos lang naman pala. Jusko ninakaw pa. Anyway share ko lang. Masama po mag nakaw kailangan po natin bumoto ng leader na may prinsipyo at di nag nanakaw. Sarap kaya Uminom ng Gulp sa 7/11 pag alam mong di NAKAW or UTANG yung pambayad sa cashier," ani Rosales.

Gayunman, umani ng batikos si Rosales dahil maraming netizens ang nagsasabi na sarado na ang branch na binanggit ni Rosales sa post.

Napansin din kasi ng mga netizens ang edit history ng post niya na unang nakalagay na branch ay "7/11 Ali Mall Cubao" na naging "7/11 near Ali Mall branch."

Samantala, dahil sa umiinit na usapan tungkol sa naturang branch, nakipag-ugnayan ang Balita sa 7-eleven. Kinumpirma nila na sarado ang branch sa Ali Mall Cubao na tinutukoy ni Rosales.

Si Valentine Rosales ay isa sa mga inimbestigahan na kaibigan ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera noong Enero 1, 2021.

mula sa Instagram ni Valentine Rosales