January 22, 2025

Home BALITA

'Huwag na sana natin palakihin pa!' Kiko, nag-react sa pagkikita nina VP Sara, Leni

'Huwag na sana natin palakihin pa!' Kiko, nag-react sa pagkikita nina VP Sara, Leni
Photo courtesy: via MB/Kiko Pangilinan (FB)/Leni Robredo (FB) via Balita

Nagbigay ng reaksiyon si dating senador at vice presidential candidate Atty. Kiko Pangilinan sa pinag-usapang pagbisita ni Vice President Sara Duterte sa tahanan ni dating Vice President Leni Robredo sa kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga City, Camarines Sur na naganap kamakailan.

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Ayon kay Kiko, noon pa mang nabubuhay ang nasirang mister ni Leni na si Jesse Robredo ay ganoon na raw talaga sila.

"Sa Peñafrancia from all walks of life sa Naga ang punta at since 1988, nung unang nag Mayor si Jesse welcome ang lahat sa bahay nila ni Leni. Agenda ni Ma’am Leni dito hindi pulitika kundi i-welcome ang mga sumama sa pilgrimage, regardless."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Huwag na sana natin palakihin pa," ani Kiko.

Photo courtesy: Kiko Pangilinan (X)

Si Kiko ay running mate ni ex-VP Leni noong 2022 National Elections kung saan sila ang mahigpit na kalaban ng UniTeam nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at VP Sara.

Taliwas naman sa saloobin ni Pangilinan, tila hindi naman nagustuhan ng dati nilang team mate na si dating senador Sonny Trillanes ang pagpayag ni Robredo na puntahan siya sa bahay ni Duterte.

MAKI-BALITA: Trillanes, sinita pagkikita nina VP Sara, Leni: 'Somebody is lying to cover up!'

Naglabas din ng opisyal na pahayag si VP Sara kaugnay nito.

MAKI-BALITA: OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Samantala, bukod kay VP Sara ay bumisita rin kay Robredo sina Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr. at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos. 

MAKI-BALITA: Sen. Revilla, Sec. Abalos binisita si ex-VP Leni