January 15, 2025

Home BALITA National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'
MULA SA KALIWA: Makabayan Coalition senatorial bet Liza Maza at Vice President Sara Duterte (file photo)

Matapos ang naging “mainit” na pagdinig ng Kamara nitong Miyerkules, Setyembre 18, giniit ni dating Gabriela Party-list Representative at Makabayan Coalition senatorial bet Liza Maza na hindi umano si Vice President Sara Duterte ang “bida” kundi ang taumbayan na pinagkakautangan niya ng paliwanag.

Matatandaang sa naging pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Duterte na hindi raw budget ng Office of the Vice President (OVP) ang puntirya ng pagdinig ng House of Representatives kundi gumagawa raw ang panel ng impeachment case laban sa kaniya. 

“You may try to destroy me. You can skin me alive, burn me, and throw my ashes to the wind. But let it be known: You will find me unbowed,” saad pa ni Duterte.

MAKI-BALITA: VP Sara sa mga kritiko: 'You may try to destroy me... You will find me unbowed'

National

De Lima sa impeachment ni VP Sara: 'The time to act is now!'

Pinatutsadahan naman ito ni Maza at iginiit na kung mayroon man umanong kalaban ngayon, ito raw ay si Duterte na tinawag niyang “abusado” at “korap.”

"Let me remind her that she is not the protagonist here. Ang bida dito ay ang taumbayan na kinauutangan mo ng paliwanag," giit ni Maza. 

"Kung may kalaban man dito, siyang abusado sa kapangyarihan at korap.”

Ayon pa sa dating mambabatas, muli umanong ipinakita ng bise presidente ang kaniyang pagiging “bratinella.”

“Your assertion of being unbound confirms yet again your pure bratinella attitude. Surely, you are bound by the office and authority you have sworn into as a public official. Refusing to acknowledge that is very, very, very dangerous,” saad ni Maza.

Matatandaang kamakailan lamang nang irekomenda ng House Committee on Appropriations na bigyan ng ₱733.198 milyong budget ang OVP sa 2025, mahigit ₱1.29 bilyon ang kaltas mula sa ₱2.037 bilyong panukalang budget ng opisina.

MAKI-BALITA: ₱2.036B proposed budget ng OVP sa 2025, balak bawasan ng ₱1.29B!

Ang naturang desisyon ay matapos hindi dumalo ni Duterte at kahit isang kinatawan ng opisina sa naging pagpapatuloy ng pagdinig ng Komite hinggil sa kanilang panukalang budget noong Setyembre 10.

Sinabi rin Duterte kamakailan na handa siyang magtrabaho kahit walang budget ang OVP.

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, handang magtrabaho kahit walang budget ang OVP