January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya
Photo courtesy: Screenshots from Nadia Montenegro (IG)/Marina Benipayo (IG)

Masayang ibinalita ni Marina Benipayo, misis ng aktor na si Ricardo Cepeda na nakalaya na ito, matapos ang halos 11 na buwang pagkakapabilanggo, sa pamamagitan ng bail o piyansa.

Makikita sa Instagram post ni Marina ang video nila ni Ricardo sa loob ng kanilang bahay habang sumasayaw sa saliw ng "Don't Be Cruel" ni Elvis Presley.

"He's finally going home! Thank you for your prayers." mababasa sa text caption ng video.

"#11months and finally, he's going home! God is Good! Thank you, everyone for your prayers," caption naman ni Marina sa kaniyang social media posts.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Samantala, nagbigay naman ng ilang mga detalye kaugnay nito ang aktres na si Nadia Montenegro.

"RELEASE FORM SIGNED!"

"FINALLY! An innocent man is FREE!! Praise you Lord!"

"My Brother, Ric for almost 1 year you patiently fought your battles in court and endured jail time hundreds of miles away from

Home. One by one you faced them knowing you did nothing wrong. PRAISE YOU LORD FOR YOUR FAITHFULNESS! Ric you have always been a kind, decent, respectful and respected human being. This was just a phase you had to go through that only our faith will allow us to surpass and understand. And you did!!! We all know you are INNOCENT! And PROVEN!!!"

"Can't wait for your homecoming, Ric!! This is a celebration of your life! A new chapter ahead! WE LOVE YOU RIC! You are FREE!! To God be all the glory."

Bakit nga ba nakulong ang aktor na si Ricardo Cepeda?

Inaresto ng pulisya ang batikang aktor dahil umano sa kasong syndicated estafa habang siya ay nasa Caloocan City, noong Oktubre 7, 2023.

Ayon sa ulat, hindi umano pumalag ang aktor nang dakpin ito ng Quezon City Police District operatives bandang 11:00 ng umaga.

Ang warrant of arrest ay inihain kay Cepeda sa nabanggit na reklamo, sa ilalim ng Article 314 ng Revised Penal Code na kaugnay ng Presidential Decree 1689.

Inisyu umano ang warrant sa pag-aresto kay Cepeda sa Regional Trial Court Branch 12 ni Judge Gemma Bucayu-Madrid sa Sanchez Mira, Cagayan.

Dinala sa kustodiya ng QCPD headquarters sa Camp Karingal ang aktor, para umano sa dokumentasyon. Hindi naman malinaw kung magkano ang halaga ng puwede niyang piyansa ukol dito, ngunit umabot sa halos isang taon bago siya makapagpiyansa.

MAKI-BALITA: Ricardo Cepeda arestado dahil sa kasong syndicated estafa

Hanggang sa pansamantalang kalayaan ni Cepeda ay hindi nabanggit kung magkano ang bail na binayaran ng kaniyang kampo.

Iginiit naman ni Cepeda sa panayam ng media na inosente siya sa anumang bintang sa kaniya. 

MAKI-BALITA: Ricardo Cepeda nanindigang inosente, hindi estapador

Hindi pa ganap ang pagiging kampante ng aktor hangga't hindi pa natatapos ang paggulong ng kaso at mapatunayang wala nga siyang sala.