Posible umanong managot sa batas ang “Davao Trio” na sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte, at Senador Ronald "Bato" dela Rosa kung mapatunayang tinulungan nilang magtago si Pastor Apollo Quiboloy, ayon kay Assistant Minority Leader 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez.
Base sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Gutierrez, isa ring abogado, na nakikita niyang may “criminal liabilities” sina Ex-Pres. Duterte, VP Sara at Sen Bato kung totoong may alam sila sa kinaroroonan ni Quiboloy noong nagtatago pa lamang ito at kung tumulong din sila para hindi ito mahanap ng mga awtoridad.
“The way that we see it, if indeed it is true that they have prior knowledge on his whereabouts, and then they intentionally hid him, there will be criminal liabilities for that,” ani Gutierrez.
“Whether or not they are liable, we leave it to the Department of Justice (DOJ) to properly seek if there is indeed probable cause, and the proper cases would be filed,” dagdag pa niya.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa namang reaksyon sina Ex-Pres. Duterte, VP Sara, at Sen. Bato sa naturang pahayag ni Gutierrez.
Matatandaang noong Setyembre 8, 2024 nang maaresto ng mga awtoridad si Quiboloy, na nahaharap sa mga kasong tulad ng trafficking at sexual abuse, matapos ang ilang buwang pagtatago nito.
MAKI-BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga
Ngunit bago matagpuan ang pastor, matatandaang noong Hunyo 30, 2024 nang “magbiro” si dating Ex-Pres. Duterte, administrator ng mga ari-arian ng KOJC, na alam niya ang kinaroroonan ni Quiboloy ngunit “secret” lang daw.
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, alam kung nasaan si Pastor Quiboloy: 'Pero secret!'
Noon lamang namang Setyembre 1, 2024 nang “pabirong” hinulaan daw ni VP Sara kung nasaan ang pastor, at sinabing “nasa langit” marahil ito.
MAKI-BALITA: Nasaan si Quiboloy? Hula ni VP Sara, ‘Nasa langit!’
Samantala, noong Agosto 25, 2024 nang manawagan si Sen. Bato kay Quiboloy na sumuko na dahil hindi umano ito makapagtatago habambuhay.
MAKI-BALITA: Sen. Bato, nanawagang sumuko na si Quiboloy: 'You cannot hide forever'