December 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Para makakuha ng simpatya? Taxi driver na may Tourette Syndrome, pinagdudahan

Para makakuha ng simpatya? Taxi driver na may Tourette Syndrome, pinagdudahan
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Ibinahagi ng taxi driver na si Marlon Fuentes ang isa sa mga nakapagpababa ng pagkatao niya dahil sa pagkakaroon ng neurodevelopmental disorder na kung tawagin ay “Tourette Syndrome.”

Ang mga taong may ganitong kondisyon ay kakakitaan ng “repetitive movement” o “unwanted sound” na hindi makontrol. Nagsisimula umanong makita ang mga senyales nito simula pagkabata. 

Sa latest episode ng showbiz insider Ogie kamakailan, sinabi ni Marlon na minsan na raw pinagdudahan ng isa niyang pasahero ang kaniyang kondisyon.

“Matagal na ‘yon. ‘Di pa ako nagba-vlog no’n, e. Parang pagsakay niya no’n, sabi niya sa akin kasi nakita niya ‘yong placard tungkol sa kondisyon ko: ‘Ano ‘to?’ Sabi ko: ‘Ay, sir, may Tourette Syndrome po ako,” saad ni Marlon.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

“Tapos tiningnan niya ako. Sabi niya: ‘Totoo ‘yan?’ Tapos tumatawa siya. [...] Parang akala niya, ginagawa-gawa ko lang,” wika niya. 

Dagdag pa umano ng pasahero niya: “‘Para ano lang naman ‘yan, e, para makakuha ka ng simpatya ng pasahero; para maka-tip ka.’”

Gayunman, sa kabila nito, inamin ni Marlon na may ilang tao rin daw siyang nabibigyan ng inspirasyon.

“Nagse-share din sila ng kanilang kuwento, ganyan. Kasi minsan may nakasakay ako, ‘yong linggo raw niya parang masyado siyang stress,” lahad niya.

“Pero no’ng nakita niya ako, wala pala [siyang] dahilan magreklamo sa buhay,” pagpapatuloy pa ni Marlon.