December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie Diaz nasaksihan ginawa ng dog owner; pinakiusapang kumain na lang sa labas

Ogie Diaz nasaksihan ginawa ng dog owner; pinakiusapang kumain na lang sa labas
Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)

Nauuso ngayon ang ilang mga establishment na "pet-friendly" o nangangahulugang puwedeng tanggapin o papasukin ang mga dala-dalang pets gaya ng aso, pusa, o iba pa, basta't hindi ito makapamiminsala o makasasagabal sa ibang mga customer.

Kamakailan nga, pinag-usapan nang husto ang isang pet-friendly restaurant sa Tagaytay matapos maglabas ng rant post ang isang fur parent na hindi raw pinayagang ipasok sa loob ng resto ang alaga niyang si Yoda, na ang dahilan daw ng resto ay dahil sa timbang nito.

MAKI-BALITA: Customer, dismayado sa pet-friendly resto; alagang aspin, na-discriminate?

Subalit nagkakaisa ang dog owner at iba pang netizens na dahil ito sa breed ni Yoda na isang aspin o "asong Pinoy."

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Kaagad namang naglabas ng public apology ang nabanggit na restaurant matapos ngang ulanin ng kritisismo mula sa netizens, organisasyon gaya ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), at maging sa ilang sikat na celebrities.

MAKI-BALITA: Public apology ng 'pet-friendly' resto, hindi raw katanggap-tanggap?

MAKI-BALITA: Heart Evangelista sa asping si Yoda: 'Sending love'

MAKI-BALITA: Carla proud aspin lover, may banat sa establishments na 'pet-friendly' kuno

Kaugnay nga ng isyu ng pagiging pet-friendly ng isang establishment, nagbahagi naman ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz hinggil naman sa nasaksihan niyang senaryo sa loob ng isang restaurant.

Aniya, nakita niya raw na nilapitan ng staff ang isang lalaking customer na may kasamang itim na pet dog sa loob.

Maya-maya raw ay nakangiting lumabas naman ang dog owner kasama ang kaniyang pet at sa labas na mesa na nga kumain.

Sa palagay raw ni Ogie ay pinakiusapan ng staff ang customer na sa labas na lang ito kumain since hindi naman nakalagay sa kanilang establishment na puwedeng pumasok ang mga alagang hayop.

Dahil dito, kudos ang nabanggit na fur parent para kay Ogie, dahil kung sa ibang fur parent daw nangyari iyon ay baka big deal na at nag-rant post na sa social media.

"Di ko man narinig ang pinag-usapan nila earlier sa loob ay ramdam kong pinakiusapan si kuya ng staff na baka pwede sa labas na lang siya kumain dahil me dala siyang alaga," anang Ogie sa kaniyang post.

TINGNAN: Ogie Diaz - Di ko man narinig ang pinag-usapan nila earlier sa... | Facebook

"In fairness to the guy, nakangiti pang nag-okay na sa labas na lang siya kakain. Kudos to kuya."

"Kung sa iba yon, baka ginawa nang big deal kumbakit di pwede sa loob ang aso."

Sa iba pang senaryo, nagkuwento naman si Ogie patungkol naman sa isang coffee shop.

"Kahapon nga, nasa coffee shop ako, ang laki ng aso na kasama ng isang customer. Kahol nang kahol ang aso habang napapatingin dito ang ibang tables."

"Wala na ding magawa yung ibang customers at yung staff. Parang sanggol lang yung aso kung patahanin ni ate girl."

“'Mahirap na pong sitahin, baka kami pa po ang mali, mag-rant pa po,' sabi sa akin ng isang staff."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"resto is animal friendly.. rules is rules naman tlg.. ang mali eh yung nagpapangap lng pala ung resto,fake animal friendly lng pala.. pag declared n pwd ang pets sa resto.. choice nyo pumunta at kumaen pdn dun.. if ayaw nyo ng tahol ng tahol wag kau pupunta sa resto allowed ang pets dhl given n un baka aso sila? dinaman pwd meow meow??"

"importante rin kasi na maging responsible ang fur parents.Totoo yang nagdadala ng aso tapos di ka na makakain in peace dahil kahol nang kahol ung aso. Ako na ang nag-adjust. Umalis na ako agad agad. Pag lintek na sa ingay ang aso nyo, ILABAS NYO NA."

"Haha baka ma CANCEL, mga tao pa Naman sa social media makapangyarihan walang sintido kumon."

"Mabilis naman mauunawaan ng pet owner kung nakalagay sa establishment na hindi sila ‘pet-friendly’. Kaya lang naman nagrant yung sa previous issue kasi nakalagay na ‘pet-friendly’ pero discriminating yung treatment sa breed."

"May point naman."