January 15, 2025

Home SHOWBIZ Events

Ice Seguerra: 'Kailangan pa ba nating maghintay ng batas para maging mabuti sa isa't isa?'

Ice Seguerra: 'Kailangan pa ba nating maghintay ng batas para maging mabuti sa isa't isa?'
(Photo: Ice Seguerra/FB; MJ Salcedo/Balita)

Sa gitna ng hanggang ngayo’y pagkabinbin ng SOGIE Equality Bill sa Kongreso, naniniwala ang singer at trans man na si Ice Seguerra na kaya naman ng bawat indibidwal na maging mabuti sa kanilang kapwa, partikular na sa LGBTQIA+ community, kahit wala pa ang batas.

Sinabi ito ni Ice nang mag-perform siya sa book launching ng bagong mga aklat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee na “Kalahating Bahaghari”, isang nobela na pangunahing tumatalakay sa mga danas ng LGBTQIA+ community, at “Kabilang sa mga Nawawala/Among the Disappears” nitong Sabado, Setyembre 14.

BASAHIN: Book launch ni National Artist Ricky Lee, dinaluhan ng naglalakihang celebrities

“Right now ang daming usapan tungkol sa mga batas na hindi pa napapatupad at kung ano-ano pa. But, naniniwala ako na kailangan pa ba nating maghintay ng batas para maging mabuti sa isa't isa?” ani Ice.

Events

Lee Min Ho, pupuntang Maynila ngayong 2025

“Feeling ko kaya naman eh. Kaya naman natin na intindihin ang bawat isa. Kaya naman natin na maging safe space tayo ng mga taong hindi lamang nasa komunidad (ng LGBTQIA+) kundi nating lahat. Kaya naman natin. Siguro mas kailangan lang nating maging bukas, maging makatao,” dagdag niya.

Kaugnay nito, sinabi ni Seguerra na alam niyang hanggang ngayon ay nagkakaroon pa rin ng mga kapwa niya miyembro ng LGBTQIA+ community mahirap na sitwasyon dahil sa panghuhusga ng lipunan.

“Honestly, it’s hard. It’s hard because we live in the society na kahit man masasabi ng iba na tanggap na, alam nating hindi pa rin naman talaga. Merong mga hangganan pa rin na kailangan nating sundin. ‘Hanggang dito lang kami. Kapag sumobra na kayo, sobra na ‘yan’,” ani Ice.

“To those of you who are going through things because you can’t really come out yet or are just being shunned by family, I hope you can find it in your heart to really have someone to talk to because it will help you. And to that person who are blessed enough na ikaw ang piniling kausapin, sana matuto ka rin makinig hindi lang para pakinggang ang sinasabi niya kundi para matulungan siyang maibsan ang nararamdaman niya.

Inawit ni Ice sa naturang book launch ang kaniyang awiting “Wag Kang Aalis” na nilikha raw niya noong pandemic kasama ang kaniyang asawang si Liza Diño-Seguerra, na dumalo rin sa event upang maging isa sa mga celebrity guest na nagbasa ng excerpts sa dalawang aklat ni Lee.

Samantala, hanggang ngayo’y nasa period of sponsorship sa Kamara at pending din sa Senado ang naturang SOGIE Equality Bill, na naglalayong protektahan ang bawat indibidwal laban sa diskriminasyong nakabase sa kanilang SOGIESC.