December 22, 2024

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

'Madadala ko na king cobra ko!' Pansitan sa Daraga, pinapapasok 'LAHAT' ng uri ng pets

'Madadala ko na king cobra ko!' Pansitan sa Daraga, pinapapasok 'LAHAT' ng uri ng pets
Photo Courtesy: Tiya Deling's Pansitan (FB)

Good vibes ang hatid ng isang pansitan sa Daraga, Albay dahil sa umano’y pet policy na ipinapatupad nila sa kanilang food stand.

Sa Facebook post ng Tiya Deling’s Pansitan nitong Huwebes, Setyembre 12, sinabi nila na lahat umano ng pets ay welcome sa kanilang pansitan.

“All Pets are welcome at Tiya Deling’s Pansitan,” saad nila sa caption.

Dagdag pa nila: “Pet Peeves are also welcome.”

Kahayupan (Pets)

Animal Rescue PH, nagdaos ng Christmas Party para sa rescued furbabies!

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Yung dala ko po is Congressman. Ok lang po ba?"

"Balak ko pa naman dalhin Cerberus ko dyan"

"Gonna bring BBM and Sarah para instant sabong while eating "

"Madadala Ko Na Din Sa Wakas Si Batik!! Yung Alaga Ko Pong Sigbin Pwede Ding Dalhin?"

"Yown sa wakas madadala ko na din king cobra ko"

"pwede po ba jan yung Blue-eyes White Dragon ko? baka oversize sia e"

"Yey madadala ko na Komodo ko"

"May isa pa kami alaga pwede kaya Dyan pet din sya di ka pa lumalabas sa bahay nyo may tsismis na sya agad sayu.. allowed kaya to di Naman sya nangangagat kaso nakakasira lang ng Buhay"

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa nasabing pansitan, ibinahagi nila ang inspirasyon sa likod ng nakakaaliw na post sa kanilang Facebook page.

“The owners kasi are fur-parents themselves and si Tiya Deling naman, our lola, owns a small farm with chickens, pigs and other animals,” saad nila.

Dagdag pa niya: “Since our opening talaga we’ve been posting funny contents to reach our target market.”

Kaya paalala kung sakali mang maipagkamaling totoo ang post ng pansitan ni Tiya Deling, ito ay isa lang biro at hindi dapat seryosohin.

Samantala, kamakailan naman ay nag-trending ang isang pet-friendly resto matapos atakehin ng batikos dahil sa hindi pagpapasok sa alagang aspin ng kanilang customer.

BASAHIN ANG BUONG PAHAYAG: Pet-friendly resto, nagsalita na sa isyu ng diskriminasyon sa aspin ng isang customer

MAKI-BALITA: LIST: Pet-friendly cafe & restaurants sa Tagaytay!