January 15, 2025

Home BALITA National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte
Apollo Quiboloy mugshots (Photo: DILG Sec. Benhur Abalos/FB)

Ibinasura ng korte ang kahilingan ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na ilipat siya sa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa Philippine National Police (PNP).

Inanunsyo ito ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang press briefing sa Camp Crame, Quezon City nitong Biyernes, Setyembre 13, na inulat ng Manila Bulletin.

“The court heard the motions and manifestations entered into by the lawyers of the accused, particularly their transfer from the custodial facility to AFP. Since the AFP (sic) submitted a formal reply objecting the motion for transfer of custody from PNP to AFP, the court denied such motion,” ani Fajardo.

Nito lamang ding Biyernes ng umaga nang dumating si Quiboloy sa Pasig Regional Trial Court (RTC) branch 159 para sa kaniyang arraignment sa kasong human trafficking.

National

'For the first time in 20 years!' BIR, nakakolekta ng ₱2.8T sa taong 2024

MAKI-BALITA: Quiboloy, may mensahe sa kaniyang mga tagasunod: 'Tatag lang!'

Kasama ng pastor sa Pasig RTC ang kaniyang mga kapwa-akusadong sina Cresente Canada, Jackielyn Roy, Ingrid Canada, at Sylvia Cemanes.

Matatandaang noong Setyembre 8, 2024 nang maaresto ng mga awtoridad si Quiboloy matapos ang mahigit dalawang linggong paghahanap sa kaniya sa compound ng KOJC.

MAKI-BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga

Pagkatapos ng naturang pag-aresto, umapela kamakailan ang kampo ni Quiboloy na ilipat siya mula PNP custodial center patungo sa anumang pasilidad ng AFP, dahil umano sa banta sa kaniyang seguridad.

Naghain naman ng mosyon ang Department of National Defense (DND) sa Pasig City RTC para tanggihan ang naturang kahilingan.

Nahaharap si Quiboloy at mga kapwa niya akusado sa kasong “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” sa RTC, dahil sa umano’y pang-aabusong ginawa nila sa isang 17-anyos na babae noong 2011. Kinasuhan din sila sa Quezon City RTC para sa iba pa umanong kaso ng child abuse” sa ilalim ng “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”