January 15, 2025

Home BALITA National

'Set aside differences!' SP Chiz, umaasang magkakaayos VP Sara at Kamara

'Set aside differences!' SP Chiz, umaasang magkakaayos VP Sara at Kamara
VP Sara Duterte, SP Chiz Escudero, House of Representatives building (Facebook; file photo)

Umaasa si Senate President Chiz Escudero na maaayos din ang hindi pagkakasunduan ni Vice President Sara Duterte at ng House of Representatives.

Sinabi ito ni Escudero matapos irekomenda ng House Committee on Appropriations na bigyan ng ₱733.198 milyong budget ang Office of the Vice President (OVP) sa 2025, mahigit ₱1.29 bilyon ang kaltas mula sa ₱2.037 bilyong panukalang budget ng opisina.

MAKI-BALITA: ₱2.036B proposed budget ng OVP sa 2025, balak bawasan ng ₱1.29B!

Ire-realign daw ang kakaltasing ₱1.29 bilyon ng OVP sa mga serbisyong panlipunan tulad sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at parallel service ng Department of Health (DOH).

National

'For the first time in 20 years!' BIR, nakakolekta ng ₱2.8T sa taong 2024

MAKI-BALITA: ALAMIN: Kakaltasing ₱1.29B pondo ng OVP, saan nga ba ilalaan?

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ano ang susunod na pagdadaanan ng proposed budget ng OVP?

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Huwebes, Setyembre 12, nanawagan si Escudero kay Duterte at mga kongresista na sundin na lamang ang budgeting process at isantabi ang kanilang mga pagkakaiba ng paniniwala.

“I am hopeful though that the seeming impasse between the OVP and the House will be resolved where either or both would take a step back, set aside their differences or biases, simply follow the process or, at the end of the day, for Congress, in the exercise of its wisdom, to decide on this and other related matters by a vote,” ani Escudero.

Samantala, inihayag din ng Senate president na sigurado siyang may pakialam umano si Duterte para sa kaniyang mga proyekto sa OVP.

“While seeming to be nonchalant, I am sure the VP cares for the programs and projects that she herself proposed,” saad ni Escudero.

Matatandaang nitong Miyerkules, Setyembre 11, nang ihayag ni Duterte na patuloy umanong magtatrabaho ang OVP kahit wala silang budget.

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, handang magtrabaho kahit walang budget ang OVP

Ito ay matapos hindi dumalo ni Duterte at kahit isang kinatawan ng kaniyang opisina sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara hinggil sa kanilang panukalang budget noong Martes, Setyembre 10.

MAKI-BALITA: OVP, nagsalita na hinggil sa hindi nila pagdalo sa budget hearing ng Kamara

Iginiit naman ng bise presidente sa panayam na inilabas noon ding Martes na kinuha umano nina House Speaker Martin Romualdez at Appropriations Chair Zaldy Co ang budget ng Department of Education (DepEd), kung saan isa raw ito sa mga dahilan kung bakit siya nag-resign bilang kalihim ng ahensya.

MAKI-BALITA: VP Sara, nag-resign sa DepEd dahil kinuha raw nina Romualdez at Co ang budget ng ahensya

Pinalagan naman ni Co ang naturang pahayag ni Duterte at sinabing ito umano ay isang “napakalaking pambubudol.”

MAKI-BALITA: Zaldy Co, pumalag sa bintang ni VP Sara: 'Pambubudol na naman po 'yan!'