January 22, 2025

Home BALITA National

ALAMIN: Kakaltasing ₱1.29B pondo ng OVP, saan nga ba ilalaan?

ALAMIN: Kakaltasing ₱1.29B pondo ng OVP, saan nga ba ilalaan?
VP Sara Duterte (Photo: House of Representatives/FB)

Nitong Huwebes, Setyembre 12, nang ianunsyo ni Marikina City 2nd District Representative Stella Quimbo ang rekomendasyon ng House Committee on Appropriations na bawasan ang panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025, mula ₱2.037 bilyon patungong ₱733.198 milyon.

MAKI-BALITA: ₱2.036B proposed budget ng OVP sa 2025, balak bawasan ng ₱1.29B!

Ngunit, saan nga ba balak ilaan ng komite ang ₱1.29 bilyong ikakaltas sa opisina ni Vice President Sara Duterte?

Ire-realign umano ang naturang ₱1,293,159,000 na ibabawas na budget ng OVP sa mga “serbisyong panlipunan” o sa mga sumusunod:

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

₱646,580,000 – MAIFIP o ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients program ng Department of Health (DOH)

₱646,579,000 – AICS o ang Assistance for Individuals in Crisis Situations program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 

Samantala, narito naman ang bahagdan ng mga paggagamitan umano sana ng OVP sa nasabing ₱1,293,159,000 budget na ibabawas sa kanilang pondo:

₱200,000,000 – supplies

₱92,408,000 – personnel services para sa consultants

₱947,445,000 – financial assistance

₱48,306,000 – Rent/Lease expenses

₱5,000,000 – Utility Expenses

Matatandaang nitong Miyerkules, Setyembre 11, nang ihayag ni Vice President Duterte na patuloy umanong magtatrabaho ang OVP kahit wala silang budget.

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, handang magtrabaho kahit walang budget ang OVP

Ito ay matapos hindi dumalo ni Duterte at kahit isang kinatawan ng kaniyang opisina sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara hinggil sa kanilang panukalang budget noong Martes, Setyembre 10.

MAKI-BALITA: OVP, nagsalita na hinggil sa hindi nila pagdalo sa budget hearing ng Kamara