December 21, 2024

Home BALITA National

₱2.036B proposed budget ng OVP sa 2025, balak bawasan ng ₱1.29B!

₱2.036B proposed budget ng OVP sa 2025, balak bawasan ng ₱1.29B!
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN, OVP (FB)

Inirekomenda ng House Committee on Appropriations na bawasan ang panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025, mula ₱2.037 bilyon patungong ₱733.198 milyon.

Kinumpirma ito ni Marikina City 2nd District Representative Stella Quimbo nitong Huwebes, Setyembre 12.

Ayon kay Quimbo, mula sa ₱2.037 bilyong panukala ng OVP para sa kanilang budget, nasa ₱733.198 milyon daw ang inaprubahan ng House appropriations committee. Kapareho ito ng naging lebel ng budget ng opisina ni dating Vice President Leni Robredo noong 2022.

Ire-realign daw ang kakaltasing ₱1.29 bilyon ng OVP sa mga serbisyong panlipunan tulad sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at parallel service ng Department of Health (DOH).

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Matatandaang nitong Miyerkules, Setyembre 11, nang ihayag ni Vice President Sara Duterte na patuloy umanong magtatrabaho ang OVP kahit wala silang budget.

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, handang magtrabaho kahit walang budget ang OVP

Ito ay matapos hindi dumalo ni Duterte at kahit isang kinatawan ng kaniyang opisina sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara hinggil sa kanilang panukalang budget noong Martes, Setyembre 10.

MAKI-BALITA: OVP, nagsalita na hinggil sa hindi nila pagdalo sa budget hearing ng Kamara