January 22, 2025

Home BALITA

PNP chief Marbil, nagpasalamat sa kapulisan sa manhunt kay Quiboloy, nakisalo sa boodle fight

PNP chief Marbil, nagpasalamat sa kapulisan sa manhunt kay Quiboloy, nakisalo sa boodle fight
Photo courtesy: Police General Rommel Francisco Marbil (FB)/DILG Sec. Benhur Abalos (FB)

Nagpaabot ng pasasalamat si Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil sa mga kabarong pulis na naging bahagi ng halos higit dalawang linggong manhunt operation kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy sa KOJC compound, na tuluyan na ngang sumuko sa mga awtoridad noong Linggo, Setyembre 8.

Ayon sa talumpati ni Marbil sa Camp Quintin Merecido sa Police Regional Office 11, lahat daw ng mga nakasama nila sa operasyon ay talagang nakapag-contribute sa paghahanap kay Quiboloy upang mahuli at maisilbi na rito ang warrant of arrest sa mga patong-patong na kasong naghihintay laban sa kaniya.

Giit pa ng hepe ng kapulisan, wala aniyang dapat ikatakot sa paggawa ng tama. Naniniwala si Marbil na wala silang ginawang mali, kahit na sinasabing may mga kasong naghihintay raw sa kanila dahil sa kanilang ginawa. Parte umano ito ng kanilang trabaho. Sa katunayan, naghain na laban sa kanila ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ng reklamong malicious mischief si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kilalang malapit kay Quiboloy.

Matapos ang talumpati ay nakisalo si Marbil sa boodle fight ng mga pulis bilang thanksgiving sa ikinokonsidera nilang matagumpay na operasyon laban sa paghahanap kay Quiboloy.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Ayon kay PNP spokesperson PCol Jean Fajardo, sumuko si Quiboloy sa awtoridad matapos bigyan ng ultimatum ng PNP, sa tulong naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

MAKI-BALITA: 'Nahuli na si Pastor Quiboloy!'—Abalos

MAKI-BALITA: Abogado, nagsalita kung bakit sumuko kliyenteng si Quiboloy

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga