December 24, 2024

Home BALITA National

Marcoleta, pinagsabihan kapwa kongresista: 'You may not like the person... but respect the OVP!'

Marcoleta, pinagsabihan kapwa kongresista: 'You may not like the person... but respect the OVP!'
Rep. Rodante Marcoleta at VP Sara Duterte (House of Representatives/YouTube screengrab; file photo)

Ipinagtanggol ni Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta si Vice President Sara Duterte laban sa ilang mga mambabatas sa nangyaring pagdinig ng Kamara hinggil sa ₱2.037 bilyong 2025 proposed budget ng Office of the Vice President (OVP) nitong Martes, Setyembre 10.

Sa gitna ng budget hearing ng Kamara, kung saan hindi dumalo si Duterte at ang kahit isang kinatawan ng OVP, iginiit ni Marcoleta na dapat umanong respetuhin ng mga mambabatas ang OVP kahit pa raw ayaw nila sa bise presidente.

“You may not like the person. You may not like her presence here. But you have to respect the OVP. That is all,” giit ni Marcoleta.

“May brati-bratinella pa. Saan po kayo nakakita ng ganoon? This did not happen anytime. Pang-17 taon ko na po ito,” saad pa niya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nangyari ang naturang tensyon sa pagdinig matapos magmosyon si Marcoleta na i-terminate ang briefing bilang parte umano ng tradisyon ng House of Representatives na magbigay ng "parliamentary courtesy" sa dalawang pinakamataas na lider ng bansa, ang pangulo at bise presidente.

Samantala, tatlo lamang ang sumang-ayon habang 45 ang tumutol, dahilan kaya’t ibinasura ang naturang mosyon ni Marcoleta.

Ilang mga mambabatas din ang naghayag ng kanilang pag-alma sa hindi pagdalo ni Duterte at kahit isang kinatawan ng OVP sa naturang pagpapatuloy ng budget hearing ng Kamara.

MAKI-BALITA: 'Bratinella to the max!' Castro, inalmahan 'di pagdalo ni VP Sara sa budget hearing

MAKI-BALITA: Hindi pagdalo ni VP Sara sa budget hearing, insulto sa mga Pinoy -- Brosas

Nito lamang ding Martes ay naglabas na ng pahayag ang OVP hinggil sa kanilang hindi pagdalo sa pagpapatuloy ng pagdinig para sa kanilang proposed budget sa fiscal year 2025.

MAKI-BALITA: OVP, nagsalita na hinggil sa hindi nila pagdalo sa budget hearing ng Kamara

Bukod dito ay nagpadala rin ng sulat si Duterte kay House Speaker Martin Romualdez hinggil dito.

MAKI-BALITA: VP Sara, sinulatan si Romualdez hinggil sa proposed budget ng OVP

Matatandaang ipinagpaliban ng House of Representatives ang pag-apruba sa panukalang ₱2.037-bilyong budget ng OVP para sa 2025 matapos ang personal na pagharap ni Duterte sa pagdinig ng budget hearing noong Agosto 27.

Sa naturang budget hearing noong Agosto 27, naging usap-usapan ang pagtanggi ng bise presidente na sumagot sa ilang mga katanungan ng mga mambabatas, tulad ng usapin ng ₱125 million confidential funds noong 2022 na ginastos umano sa loob ng 11 araw. Nagkainitan din sina Duterte at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa nasabing pagdinig.

MAKI-BALITA: NAGKAINITAN?! VP Sara, kinuwestiyon kung bakit nakaupo pa rin si Rep. Castro sa Kongreso

MAKI-BALITA: VP Sara, 'wag daw mag-ugaling pusit sey ni Rep. Castro