Tumutok daw sa senate hearing ngayong Lunes, Setyembre 9 ang talent manager-showbiz columnist na si Lolit Solis, sa muling pagharap ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo matapos ang pagkakasakote niya mula sa bansang Indonesia at naibalik dito sa Pilipinas.
Ayon sa Instagram post ni Lolit, hanga daw siya sa lakas ng loob ni Guo na humarap sa mga senador.
Pakiramdam nga raw niya ay "pinaglalaruan" na lang si Guo sa nabanggit na pagdinig. Nakikita raw niya ang dating alkalde na very charming.
"Salve buong umaga hanggang tanghali talaga na tutok ako sa Alice Guo sa Senate. Kaloka ha, parang feeling ko punaglalaruan si Alice Guo ha. At hanga ako na ang lakas ng loob niya sa pagharap sa mga senador," anang Lolit.
"At isa talaga pumasok sa isip ko Salve at Gorgy wah ba BF si Alice para man lang magbigay emotional support sa kanya. Kung iisipin mo matapang niyang hinaharap ang mga problema niya ha. Bongga ha."
"Very charming siya at dahil sa Pogo connect niya meaning dami niya datung at her age na bata pa kung iisipin mo. Hindi ako magtataka na meron gustong gawin movie ang buhay niya dahil very exciting ha. Very colorful at kung iisipin mo ang daming twist ha. At ang dami mong malalaman dahil pati ang corruption sa pagkuha ng birth certificate at passport. Bongga talaga."
Sa isa pang Instagram post, kung siya raw ay lalaki, malamang ay liligawan niya si Alice.
"Salve kaloka iyon Senate hearing ni Alice Guo ha. Parang nagsawa ako sa mga questions ni Sen Joel Villanueva dahil sa parang siya na lang nagtanong at iyon ibang senators na nanduon hindi nabigyan ng chance para magtanong. Mabuti na lang paminsan minsan nagsasalita si Sen Win Gatchalian, nagtanong ng isang question si Bong Revilla, at Bato de la Rosa."
MAKI-BALITA: Villanueva kay Guo: 'Binastos mo at binalahura mo ang buong gobyerno'
"Naku ewan ko kung makakatulong sa re election ni Joel Villanueva itong hearing dahil parang gusto talaga niya na siya ang mag monopolized ng hearing. At iyon babae sa likod ni Joel ha, panay ang emote naka distract talaga. Kaloka talaga ang hearing na inabot ng lagpas ng lunch."
"Kung pogi akong men ligawan ko talaga si Alice Guo. Pero sabi ni Sen Jinggoy Estrada meron daw papa na isang Mayor din si Alice Guo, bonggaPero hanga ako sa tatag niya sa pagsagot at tapang na harapin ang mga senators. At hindi siya nagpakita na takot o intimidated siya. Bongga talaga," aniya.
MAKI-BALITA: Alice Guo, mahigit 5 beses umanong nakatanggap ng death threats