December 23, 2024

Home BALITA

Community kitchen, namahagi ng hot meals sa mga sinalanta ni Enteng, habagat

Community kitchen, namahagi ng hot meals sa mga sinalanta ni Enteng, habagat
Photo courtesy: Patreng Non (FB)

Matapos ang pananalasa ng bagyong Enteng at habagat, pinangunahan ni Ana Patricia Non ang pagsasagawa ng community kitchen para magbigay ng hot meals sa mga residenteng nasalanta ng pag-ulan at pagbaha, lalo na sa mga nasa evacuation centers.

Si Non ang organizer ng "Maginhawa Community Pantry" sa Maginhawa Street, Quezon City noong kasagsagan ng pandemya taong 2020, na nagsilbing inspirasyon sa maraming mga indibidwal, organisasyon, at lokalidad upang gawin din ito sa kanilang komunidad.

Sa pagkakataong ito, sa tulong ng organisasyong "Community Pantry PH," nagsagawa naman sila ng tinatawag na "Community Kitchen" para magbigay ng hot meals sa mga biktima ng bagyong Enteng at habagat, na patuloy na nararanasan sa bansa nitong Setyembre 4.

Patreng Non | Facebook

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ayon sa updates ni Non, dumagsa raw ang tulong at volunteers para sa mismong pagluluto ng hot meals, sa paghahanda nito, hanggang sa pamamahagi na nito.

Kaya naman, abot-abot ang pasasalamat niya sa mga sumuporta at nagpaabot ng tulong sa kanila.

"Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumulong para magawa natin ito lalo na sa ating mga community organizers! Dabest po ang response ninyo! Thank you po sa walang sawang tulong! Tuloy tuloy pa din po ang luto at linis natin," aniya pa.

Patreng Non - THANK YOU SO MU- Maraming maraming salamat po sa... | Facebook

Sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong o maging volunteer, makipag-ugnayan lamang sa kaniyang Facebook account o kaya sa Facebook page ng Community Pantry PH.

Patreng Non - Call for volunteers! | Facebook