November 26, 2024

Home BALITA National

Davao Occidental, niyanig ng 5.0-magnitude na lindol

Davao Occidental, niyanig ng 5.0-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 5.0-magnitude na lindol ang Davao Occidental nitong Martes ng gabi, Setyembre 3.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:36 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 213 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa Sarangani, Davao Occidental na may lalim na 36 kilometro.

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.