"It's been raining in Manila, hindi pa nagsu-suspend?"
Dahil sa Facebook post na ito ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, tila pinababalik na siya ng ilang taga-Maynila para maging 'yorme' ng lungsod.
Dagdag pa niya, "Napakanta lang ako while pauwi ng haybols kasi 'yun ang tugtog sa radyo ng tsikot ko. Na-LSS lang po ako. Kayo ah malisyoso kayo."
Ang naturang post ay ipinost ni Isko kaninang 1:00 a.m.., oras na hindi pa nag-a-anunsyo ng suspensyon ng klase si Manila Mayor Honey Lacuna.
Mga 2:00 a.m. naman nag-suspend ng klase ang lady mayor.
Sa comment section ng post ni Isko, maraming netizens na tila mga taga-Maynila ang nag-comment. Anila, hinihintay daw nila ang pagbabalik ni Isko bilang 'yorme' ng Maynila.
Matatandaang may mga lumalabas nang balita na magtutunggali umano sina Moreno at Lacuna sa 2025 midterm elections.
"Mayor wag m na patagalin para makapag inom na kami"
"so we’ll be waiting in Manila, hanggang sa ‘yong pagbabalik"
"c yorme hindi natutulog laging nakaabang sa bagyo naka live pa!! Eeeey"
"Umuwi kn Yorme. Hindi n kmi sanay ng Wala ka."
"Recess muna bago suspend"
"Ang tunay na serbisyo publiko Isko Moreno Domagoso walang tulugan!!"
"Buti pa si yorme naka Duty pa din"
"Ang yorme ng bayan, ngayon ay hinihintay ng bumalik."
"Yun lng ... YORME BALIK KANA"
"Balik na po yorme,,bilis kang umaksyon at kilos kpg ganitong may bagyo,,hinde ka tutlog tulog..."
"Eto nakakamiss kay yorke eh, updated tlga sya pagdating sa bagyo agad magsuspend Ng klase .. balik kana sa pagka mayor yorme miss you"
"Yorme kayo na mag suspend Kanina pa kme naghahantay Buti pa kayo gising na gising"
"Ikaw nalang uli yorme para mabilis magsuspend HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"