November 23, 2024

Home SPORTS

Carlos, may payo sa mga biglang nagkainteres sa gymnastics dahil sa premyo

Carlos, may payo sa mga biglang nagkainteres sa gymnastics dahil sa premyo
Photo courtesy: DigiPlus/ArenaPlus PR Team, Screenshots from Bar Boys PH (FB) via Balita

May payo si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa mga taong biglang naging feeling gymnast at nais na ring pasukin ang sport na gymnastics dahil sa dami ng mga posibleng makuhang rewards at incentives kung sakaling makakopo ng gintong medalya sa mga international sports competition kagaya na lamang sa Olympics.

Si Carlos ay nagwagi ng dalawang gintong medalya para sa men's vault at men's floor exercise sa men's artistic gymnastics, na nagbukas sa kaniya ng pinto at bintana ng mga biyaya. Bukod sa incentives mula sa pamahalaan, ilang mga kompanya rin ang nagbigay sa kaniya ng rewards at pribilehiyo gaya ng cash, kotse, condo unit, lifetime access at services, at marami pang iba.

Eksklusibong natanong ng Balita si Caloy sa isinagawang media conference matapos siyang pagkalooban ng ₱5 milyon ng DigiPlus at ArenaPlus, nitong Sabado, Agosto 31, sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City.

Tanong kay Carlos, ano ang mensahe niya sa mga taong walang hilig o interes noon sa gymnastics subalit ngayon ay nais na ring sundan ang yapak niya?

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

MAKI-BALITA: Ilang 'Bar Boys' na nagpapraktis na raw para sa Olympics, kinaaliwan

"Siyempre natutuwa po ako na gusto po nila, may nahihikayat na po na mga kabataan po na talagang gustong pumasok sa sports na gymnastics, pero kung gagawin po para sa pera po, hindi siya magiging madali. Sobrang hirap po talaga ng progress and 'yong process po habang ginagawa 'yong mga practice, malalaman n'yo po talaga 'yong resulta kapag nagko-compete na kayo."

"And yes, sa training din po talaga nate-test kung talaga bang gusto mo 'yong ginagawa mo, so advise lang po na dapat alam natin kung ano talaga 'yong purpose natin, and kung bakit natin ginagawa 'yong isang bagay," aniya.

MAKI-BALITA: Limpak-limpak na! Carlos Yulo, nadagdagan na naman ng ₱5M