November 23, 2024

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Paano nga ba ginamit ng Pinoy Olympians ang premyo, incentives nila?

ALAMIN: Paano nga ba ginamit ng Pinoy Olympians ang premyo, incentives nila?
photos courtesy: Olympics and Philippine Sports Commission

Malaking halaga ng pera ang natanggap ng ilang Pinoy Olympians mula sa pamahalaan at pribadong sektor nang katawanin nila ang Pilipinas sa Olympics.

Kaya ang tanong, saan nga ba nila ginamit o gagamitin ang nakuha nilang pabuya?

Narito ang listahan ng ilang Pinoy Olympians na nagkamit ng karangalan Olympics at humakot ng mga pabuya pagbalik nila sa bansa.

MANSUETO “ONYOK” VELASCO (1996 Atlanta Olympics)

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Naging usap-usapan ang mga pangakong pabuyang hindi na raw dumating kay 1996 Olympic silver medalist na si Onyok Velasco.

Samantala, taong 2021 naman nang ipatawag siya sa Malacañang at iginawad sa kaniya ng Palasyo ang isang pagkilala at karagdagang ₱500,000 mula sa Office of the President matapos lumabas ang kaniyang rebelasyon sa pabuyang ipinangako sa kaniya.

Tumugon din ang kumpanyang Chooks-to-Go sa kaparehong taon, at binigyan nila ng sariling Chooks-to-Go store si Velasco at karagdagang ₱100,000 bilang pagkilala sa kontribusyon niya sa larangan ng boxing.

Ito ang kasalukuyang negosyong patuloy na pinapatakbo ni Velasco mula sa kaniyang incentives.

Kaugnay na Balita: Olympic silver medalist Onyok Velasco, nakatakdang makuha ang natitirang P500,000 cash incentives

CARLO PAALAM  (2020 Tokyo Olympics)

Gumawa ng ingay sa boxing si Carlo Paalam matapos niyang magkamit ng silver medal noong 2021 Tokyo Olympics. 

Dalawang taon makalipas ang kaniyang pagkapanalo, naipundar ni Paalam ang dalawang palapag na commercial space mula sa cash incentives na natanggap. 

Ang gusali na kaniyang ipinatayo sa Cagayan de Oro City ay bunga rin daw ng sama-samang pabuya mula sa 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games.

Sinabi rin ni Paalam na nag-invest din siya sa lupa bagama’t nakatanggap siya ng house and lot sa Tagaytay City at Davao City. 

HIDILYN DIAZ  (2020 Tokyo Olympics)

Matapos ang makasaysayan niyang pagkapanalo sa 2020 Tokyo Olympics, halos 90% ng kaniyang cash incentives ay idineretso niya sa isang bangko. Kumuha rin siya ng isang financial adviser dahil interisado rin siya sa mga stock investment.

“I’ve heard and seen so many athletes who, after their careers, didn’t know where to go after. They went after their ‘wants’ instead of their ‘needs.’ Nakakalungkot. I don’t want it to happen to me and to all the athletes after me,” saad ni Diaz sa isang panayam noong 2021.

Nitong buwan ng Hulyo nga ay binuksan na rin ni Hidilyn ang kaniyang Weightlifting Academy sa Rizal bilang parte ng ikatlong anibersaryo sa makasaysayan niyang pagkapanalo sa Tokyo Olympics.

Kaugnay na Balita: Ano ang nangyari sa 8 Pinoy Olympians pagkatapos nilang manalo ng medalya?

NESTHY PETECIO (2024 Paris Olympics)

“Lupa, Negosyo at Pamilya”

Kamakailan nga ay hinangaan ng netizens kung paano ipinakita ni Nesthy ang pagmamahal niya sa kaniyang pamilya mula sa isang panayam ng PEP Cabinet Files, kung saan naging bukas si siya sa paglalahad ng mga plano at pangarap para sa mga ito.

Inilalaan ni Nesthy sa kaniyang pamilya ang mga pabuyang natanggap. Kasalukuyan niya ring binabalak ang pagbili ng lupa. Saad ni Nesthy, “Nag-invest talaga ako sa lupa. ‘Yun ang target ko palagi.”

"May plano rin akong magnegosyo pero pagpaplanuhan muna kasi, kumbaga, kailangan magdesisyon nang maayos.”

Kaugnay na Balita: Incentives ni Nesthy Petecio, 'di pinagdamot sa pamilya: 'Para sa kanila lahat!'

AIRA VILLEGAS (2024 Paris Olympics)

Sa panayam ng isang local media kay Aira noong homecoming niya, sinabi niyang alay niya ang kaniyang tagumpay sa pamilya na matagal niyang hindi nakasama.

Balak din niyang tumulong sa mga atletang sumusubok na sumunod sa kaniyang yapak.

“Sa mga mag-start pa lang po, to give them uniform mga ganoon po… Kaunting bagay po na kaya kong itulong, itutulong ko po. Malaki po yung blessings na natanggap ko, sobrang malaki po. Akala lang po nila maliit pero sobrang laki po compare po sa dati. So isheshare ko po ‘yun sa mga inspiring athletes po.”

CARLOS “GOLDEN BOY” YULO (2024 PARIS OLYMPICS)

Mula sa milyong pisong halagang nagatanggap ni Calos Yulo, nananatiling tikom ang kaniyang bibig kung tungkol sa mga isyung ibinabato sa kaniya kaugnay sa usaping pera sa pagitan niya at ng kaniyang ina.

Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens na ungkatin kung wala nga bang balak ang gymnast champion na ibahagi ang tagumpay sa kaniyang pamilya. 

Hanggang ngayon, ay walang balita kung nagkita na nga bang muli sina Caloy at pamilya nito matapos pumutok ang isyu nila sa kasagsagan ng Paris Olympics.

Samantala, sa isang panayam naman sa kaniya, nabanggit ni Caloy na iingatan niyang mabuti ang lahat ng premyong natamo niya dahil hindi siya habambuhay na atleta.

“I’m not forever athlete.” Ito ang mindset ni Caloy at sinabing nagbabalak din siyang mag-invest para sa sariling kinabukasan.

“I have to take care of my personal life also and balance it also.”

Minamatahan din niyang tulungan ang mga aspiring na young gymnasts, sa pamamagitan ng pagtuturo at paggabay sa kanila.Kaugnay na balita: PBBM, pinangunahan pagkakaloob ng medal of merit, premyo kay Yulo

Kaugnay na Balita: PBBM, pinangunahan pagkakaloob ng medal of merit, premyo kay Yulo

Mula sa tayog ng tagumpay ng mga atletang Pinoy, pinatutunayan nilang totoo nga na ang hugot ng isang determinasyon ay nagmumula sa kanilang pamilya at paglingon sa kanilang pinanggalingan.

KATE GARCIA