November 22, 2024

Home BALITA National

‘Pugad ng kuwago?’ Pascua, sinita ilang detalye sa aklat ni VP Sara

‘Pugad ng kuwago?’ Pascua, sinita ilang detalye sa aklat ni VP Sara
Photo courtesy: Alain Pascua (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si dating Department of Education (DepEd) Undersecretary Alain Pascua sa detalye ng kontrobersiyal na aklat-pambata ni Vice President Sara Duterte, na "Isang Kaibigan."

Ang kuwento ay umiikot sa dalawang magkaibigang ibong loro at kuwago.

Sinita ni Pascua ang "pugad ng kuwago sa ibabaw ng sanga ng punong mangga."

"Ang pugad ng kuwago ay hindi nakapatong sa sanga ng puno ng mangga o sa alinmang puno. Ang pugad ng mga kuwago sa Pilipinas ay karaniwang nasa loob ng mga puno ng kahoy na binutas (tree cavities) or dili kaya ay sa ilalim ng lupa (burrows)," aniya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ayon kay Pascua, kailangan daw itama ang ganitong mga impormasyon dahil baka akalain ng mga batang magbabasa na ganito talaga mamugad ang mga kuwago.

"Kailangang iwasto yan para sa tamang kaalaman ng mga bata na ang pugad ng kuwago ay hindi nakapatong sa mga sanga ng puno. Yung ibang ibon ay totoong nakapatong sa mga sanga ang kanilang pugad, pero hindi ang sa kuwago. Iba pa ang usapin hinggil sa P10 milyon na pondo ng bayan para sa pag-limbag ng libro ng may akda, na nagkataong may mataas na posisyon sa pamahalaan. Maraming bihasang manununulat at imprenta ang walang ganyang suporta mula sa pamahalaan."

Saad ng ilang mga netizen, sana raw ay dumaan muna sa masusing pag-eedit, proofreading, at pagsasala ang libro ni VP Sara bago ito hayaang mailimbag at maipamahagi sa mga batang mambabasa.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Agree sir, sabi niya madali lang naman magsulat ng libro o lumikha ng kwento... madali lang po talaga kung sanay na mag imbento ng kwento pero hindi lahat ng kwentong to pinag isipan nang husto... kaya nga sa isang tunay na manunulat hindi ganun kadali kc may proseso at guidelines na susundin na ang mithiin ay sa kapakanan ng mga mambabasa hindi puro opinyon ng manunulat... just saying lang po."

"Sa aking opinyon wala namang masama sa kuwentong ito oo ngat may detalye na hindi tama pero isa rin itong paraan upang gumising ang natutulog na diwa ng mambabasa. minsan mas nakukuha pa ang kuwento sa maling binanggit dun nakikita kung ang nakikinig ba ay talagang nag iisip."

"pondo po ng gobyerno ang ginamit kaya dapat lang na punahin."

"Kapag ang guro ang gumawa ng aklat dadaan pa saa butas ng karayom grabi ang critic quality assurance at iba pang paraan to make sure na talagang na align sa competencies na gagamitin sa pagtuturo."

"Agree po! Basic guidelines in writing childrens book must be followed like font style, font size, spelling of kwago ( slang/ alternate spelling) and etc."

Samantala, sa isang opisyal na pahayag ay nagsalita na si VP Sara kaugnay sa mga isyung ipinupukol sa kaniyang aklat, lalo na ang isyu ng plagiarism.

MAKI-BALITA: Kinopya sa Owly? VP Sara, pumalag sa mga sitang plagiarized aklat niya

Sinabi rin ng pangalawang pangulo na ang problema ay hindi libro kundi ang kahinaan ng kabataan sa pagbabasa. 

Sa pagtatapos ng pahayag, sinabi ni Duterte na maglalabas pa siya ng isang aklat patungkol naman sa isang taksil na kaibigan.

MAKI-BALITA: May kasunod pa: VP Sara, susulat ng aklat tungkol sa taksil na kaibigan

MAKI-BALITA: TINGNAN: Ano nga ba ang nilalaman ng 'Isang Kaibigan' book ni VP Sara Duterte?