January 22, 2025

Home BALITA Metro

City vet ng San Juan, sinuspinde na, pinakakasuhan pa ni Zamora

City vet ng San Juan, sinuspinde na, pinakakasuhan pa ni Zamora
photo courtesy: Mayor Francis Zamora/FB

Sinuspinde na, pinakakasuhan pa ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang kanilang city veterinarian kasunod ng ulat ng pagkalunod at pagkamatay ng mga hayop sa animal pound ng lungsod, noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina at Habagat noong Hulyo.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni Zamora na isinailalim na niya sa suspensiyon ang city veterinarian upang matiyak na hindi nito maiimpluwensiyahan ang isasagawang imbestigasyon sa kaso.

Inaprubahan na rin umano niya ang rekomendasyon ng City Legal Department (CLD) na sampahan ng kaukulang kaso ang kanilang city veterinarian.

Sinabi pa ng alkalde na bukod sa city veterinarian, tatlong empleyado pa ang kinasuhan rin habang sinibak naman ang isang job order employee.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

“The CLD (City Legal Department) subsequently recommended the filing of a formal charge with the grievance and disciplinary committee against the City Veterinarian which I have already approved,” ayon kay Zamora, sa isang pahayag.

“I have placed him under preventive suspension to ensure that he will not be able to influence the investigation. Charged as well are 3 permanent employees. 1 job order employee was immediately terminated,” dagdag pa ni Zamora.

Siniguro rin naman ng alkalde na upang maiwasan na maulit pa ang pangyayari ay kaagad nilang ire-relocate ang mga hayop sa mas ligtas na lokasyon.

Nauna rito, sinabi ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na ilang aso at pusa ang nalunod sa kanilang mga kulungan sa San Juan City Animal Pound noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina at Habagat sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit pang lalawigan.