November 22, 2024

Home BALITA National

Sen. Risa, pinadalhan ng kopya ng librong pinag-awayan nila ni VP Sara

Sen. Risa, pinadalhan ng kopya ng librong pinag-awayan nila ni VP Sara
photos courtesy: Sen. Risa Hontiveros and Inday Sara Duterte (Facebook)

"Very demure, very mindful"

Very Gen Z kung ilarawan ni Senador Risa Hontiveros ang libro ni Vice President Sara Duterte, na naging dahilan ng sagutan nila nitong Martes, Agosto 20.

Nagpadala kasi nitong umaga ng kopya ang Office of the Vice President (OVP) kay Hontiveros. 

Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 21, ibinahagi ni Hontiveros ang video kung saan makikita na hawak niya ang libro ni Duterte na may title na "Isang Kaibigan."

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"Very demure, very mindful," saad ng Senadora sa caption.

Ang librong ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng iringan sina Hontiveros at Duterte sa budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) sa Senado kahapon. 

Sa naturang pagdinig, nagtanong si Hontiveros tungkol sa ipinamamahaging librong sinulat ni Duterte, at kung tungkol saan daw ito.

“Tell us more about the book ‘Isang Kaibigan’ at ilang kopya nito ang bibilhin ng gobyerno sa halagang P10 milyon, at idi-distribute?” tanong ni Hontiveros.

Sinabi naman ni Duterte na ang naturang katanungan umano ay isang kaso ng pamomolitika sa national budget.

"This is an example of politicizing the budget hearing through the questions of a senator. Ang problema niya kasi, nakalagay ‘yung pangalan ko doon sa libro, at 'yung libro na 'yan ibibigay namin doon sa mga bata. At 'yung mga bata na 'yan may mga magulang na boboto, at 'yung pangalan ko ay nagkalat doon sa kung saan man ibibigay 'yung libro,” giit ni Duterte.

BASAHIN: VP Sara, Sen. Risa nagkairingan; hindi maintindihan ugali ng isa't isa

Samantala, sa isang ulat ng ABS-CBN news, ipinakita rito ang isa sa mga pahina ng libro. Makikita rito ang isang pahina na may larawan ng bise presidente. 

photo courtesy: ABS-CBN News