December 27, 2024

Home FEATURES

BALITAnaw: Si Angeli Khang at ang mapupusok niyang pelikula

BALITAnaw: Si Angeli Khang at ang mapupusok niyang pelikula

Usap-usapan kamakailan ang panayam ni Vivamax sexy actress Angeli Khang matapos niyang aminin ang pananamantala umano sa kaniya sa mga eksenang ginagawa nila sa pelikula.

Kinumpirma niya kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga na may mga pagkakataon umano na nadadala sa intense na eksena ang kaniyang co-actor.

Kaya naman hindi nakapagtatakang nakaramdam siya ng pagod sa kaniyang trabaho. Parang naumay siyang magbilad ng katawan sa harap ng camera.

“Patagal nang patagal do’n ko nare-realize na nakaka-drain talaga siya, nakaka-drain na maghubad ka. But still kahit may plaster, kahit minsan may double, ‘yong point of view pa lang na while doing it kailangan mentally prepared ka na ‘yong co-actor mo comfortable kayo sa isa’t isa,” saad ni Angeli.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

MAKI-BALITA: Angeli Khang, natsansingan ng ilang co-actors

MAKI-BALITA: Angeli Khang, napagod maghubad

Pero ano-ano nga ba ang mga pelikula ni Angeli na may mapupusok at matitinding eksena ng kangkangan para dumating sa puntong mapagod siya?

1. “Taya” ni Roman Perez, Jr. (2021)

Unang natunghayan ang alindog ni Angeli sa “Taya” ni Perez, Jr. Nakasentro ang kuwento nito kay Sixto, isang college student na hindi matapos-tapos ang thesis kaya hindi makapasa sa kolehiyo. Hanggang sa malulong siya sa isang online sugalan. Ginagampanan ni Angeli sa pelikula ang karakter ni Nieves na kabilang sa mga magiging babae ni Sixto sa masalimuot at magulong buhay nito.

2. “Silip sa Apoy” ni Mac Alejandre (2022)

Kung sa “Taya” ay side character lang ang role ni Angeli, dito sa “Silip sa Apoy” ay bida na siya. Tila nagustuhan at inabangan siya ng mga manonood mula sa una niyang pelikula.

Itinatampok sa pelikula ang kuwento ni Emma (Angeli) na halos araw-araw at gabi-gabing nagdurusa sa piling ng malupit niyang asawang si Ben (Sid Lucero). Binubugbog siya at inaabuso. Ginagamit maski sa mga oras na hindi niya gusto. 

Naisin man niyang lumayas, hindi niya magawa. Ayaw na kasi niyang bumalik sa pagbebenta ng laman sa bar. Ika nga niya: “Kay Ben, maski papaano iisang lalaki lang ang gumagamit sa akin.”

Ngunit sa gitna ng miserable niyang buhay, makikilala ni Emma ang kapit-bahay niyang si Alfred (Paolo Gumabao). Magkakapalagayan sila ng loob at pagsasaluhan ang katawan ng isa’t isa. Hanggang sa isang gabi, hiniling ni Emma na ilayo na siya nito sa mala-impyerno niyang kalagayan.

3. “Bela Luna” ni Mac Alejandre (2023)

Doble-kara ang ginagampanang karakter ni Angeli sa “Bela Luna.” Matutunghayan sa pelikula ang kuwento ng dalawang babaeng magkaiba ang estado ng buhay sa lipunan. Ngunit parehong nalilimitan ng kani-kanilang personal na bersyon ng bilangguan.

Isang guro si Bela na laging binubugbog ng asawa samantalang empowered artist naman si Luna. Sa pagtatagpo ng kanilang landas, pareho nilang matutuklasan ang kalayaan.

4. “Selina’s Gold” ni Mac Alejandre (2022)

Naka-set ang time setting ng “Selina’s Gold” noong panahon ng mga Hapon sa Pilipinas. 1942. Kaya naman hindi nakapagtataka ang pangingibabaw ng patriyarkal na kultura. 

Sa pelikula, ipinagbenta si Selina ng kaniyang ama kay Ka Tiyago (Jay Manalo) para maging alipin nito kahit wala pa sa hustong gulang at birhen pa. 

Ginawang parausan si Selina ng mayamang lalaki. Basta makaramdam ng tawag ng laman si Tiyago, gagalawin niya ang dalagita.

Pero salamat kay Domeng (Gold Aceron), bulag na alipin ni Tiyago, tinulungan niya si Selena na matakasan ang impyernong buhay nito.

5. “Tayuan” ni Topel Lee (2023)

Umiikot ang kuwento ng Tayuan kay Ella na ilan taon nang inaalat sa lalaki simula nang maghiwalay sila ng ex-boyfriend niya. Kaya naman itinutuon na lang niya ang sarili sa kaniyang trabaho.

Pero mababago ang lahat noong minsang nagmamadali siyang pumasok sa trabaho. Nakilala niya ang konduktor ng sinakyan niyang bus—si Rico (Chester Grecia).

Magmula noon ay lagi nang tumatakbo sa isip ni Ella si Rico. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon na masakyan ang bus na pinagseserbisyuhan nito, hindi na siya nagpatumpik-tumpik. Sinabi niya ang nararamdaman kay Rico. Nangyari ang dapat mangyari. Nadala sila sa kapusukan ng isa’t isa.

Ang kaso, may asawa at anak ang pobreng konduktor.

6. “Unang Tikim” ni Roman Perez, Jr. (2024)

Masasabing namayagpag na talaga ang karera ni Angeli sa showbiz industry. Bukod sa nagawa niyang makarating sa mainstream noong mapabilang siyang cast sa primetime series na “Black Rider” ng GMA Network, bumida rin siya sa kauna-unang pelikula ng Vivamax na ipinalabas sa sinehan noong Agosto 7.

Inilabas ng Viva Films noong Hunyo 25 ang official movie poster ng girl love movie na pinamagatang “Unang Tikim” kung saan kasama niya rin ang kaniyang kapuwa sexy actress na si Robb Guinto.

At dahil nga isang adult film ang “Unang Tikim,” nabigyan ito ng “double X” na rating mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Gayunman, handa raw ang direktor ng pelikula sa rating na natanggap mula sa nasabing ahensya.

MAKI-BALITA: Angeli Khang, Robb Quinto magpapatikim sa mga sinehan

MAKI-BALITA: 'Unang Tikim' ng Vivamax sa mga sinehan, nakatikim ng double X rating sa MTRCB