November 23, 2024

Home FEATURES Trending

Netizen na naapektuhan umano ng vog, nagbigay-babala sa publiko

<b>Netizen na naapektuhan umano ng vog, nagbigay-babala sa publiko</b>
photos courtesy: Louelle Roie/FB

Pinag-uusapan ang Facebook post ng isang rider matapos umano itong makaranas ng direktang epekto ng volcanic smog o vog dulot ng patuloy na volcanic activities ng bulkang Taal. 

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Agosto 19, idinetalye ni Louelle Roie kung paano direktang nakaapekto umano sa kaniya ang vog habang bumabaybay sa Silang-Dasmarińas.

“Today, I was riding my motorcycle from Tuy, Batangas going to Manila. Ofcourse, Cavite is in route. We all know what is happening right now around Tagaytay with Taal Volcano showing activity. Now, while I was driving around Silang-Dasmariñas; Rain suddenly poured, I put on my Raincoat and continued driving,” kwento ni Louelle. 

“At first, it was still fine despite the heavy rain, pero the problem started when I unconsciously rubbed my eyes with my hands wet from the rain, instantly I started to feel the itch and yung hapdi sa mata ko. Nag simula na din sya mag luha, kaya I decided na tumigil sa nearest Gas Station para mag hilamos,” dagdag pa niya.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Ipinakita rin niya sa post ang mga larawan ng nangyari sa kaniyang mata. 

Dahil sa kaniyang naranasan, nagbigay ng babala si Louelle sa publiko.

“DO NOT GO OUT UNPROTECTED. DO NOT LET YOUR KIDS PLAY IN THE RAIN. You may not be from the place I mentioned, but it is still better to be safe. Take care everyone!!!” 

Samantala, nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga posibleng epekto ng vog kung patuloy itong malalanghap. Maaari umanong makaranas ng iritasyon sa mga mata, lalamunan at respiratory tract na maaaring maging malubha depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap. 

Naglabas din ng paalala ang Phivolcs na maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall, at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas. 

Basahin: Phivolcs, nagbabala sa volcanic smog mula sa Bulkang Taal

Kate Garcia