November 22, 2024

Home BALITA National

Bago mag-long weekend: Ka Leody, umapela sa Kongreso at Senado na maging 'productive'

Bago mag-long weekend: Ka Leody, umapela sa Kongreso at Senado na maging 'productive'
Photo Courtesy: P4P, House of Representatives of the Philippines (FB)

May mensahe ang labor leader na si Ka Leody De Guzman para sa mga nasa Kongreso at Senado bago sumapit ang long weekend ngayong buwan ng Agosto.

Sa Facebook post ni Ka Leody noong Huwebes, Agosto 15, hiniling niya na sana ay maging productive ang Kongreso at Senado bago mag-long weekend para maipasa na ang panukalang batas na dagdag-sahod.

“Sana bago mag long weekend ay maging ‘productive’ ang Kongreso upang maipasa na ang panukalang batas na dagdag na sahod,” pahayag ni Ka Leody.

“Gayundin ang Senado upang pagsalubungin na sa Bicam ang mga bersyon ng panukalang batas sa sahod ng Kongreso at Senado,” aniya.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Dagdag pa niya: “Kagyat ito upang matugunan ang tumitinding problema ng di-makontrol na inflation na lalong nagpapaliit sa halaga ng sahod ng mga manggagawa.”

Matatandaang inilipat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang special non-working holiday para sa Ninoy Aquino Day mula Agosto 21, Miyerkules, patungo sa Agosto 23, Biyernes para umano sa long weekend.

MAKI-BALITA: PBBM, inilipat sa August 23 ang holiday para sa Ninoy Aquino Day