September 19, 2024

Home SPORTS

EJ Obiena, kamukha ng lalaki sa isang wafer stick brand: 'Bigyan ng lifetime supplies 'yan!'

EJ Obiena, kamukha ng lalaki sa isang wafer stick brand: 'Bigyan ng lifetime supplies 'yan!'
Photo courtesy: Klasik Titos and Titas of Manila (FB)

Kinaaliwan ng mga netizen ang kumakalat na memes patungkol sa pagkakahawig ng Filipino pole vaulter EJ Obiena sa Olympics sa cartoon character na nasa lalagyanan ng isang kilalang wafer stick brand.

Makikita kasing tila pareho silang may bitbit na pole, ang kinaiba nga lang, wafer stick ang bitbit ng nasa brand.

Biro tuloy ng mga netizen, sana raw ay kuning endorser ng produkto si Obiena, o kaya naman, bigyan siya ng unlimited o lifetime supply.

Itinampok din ang meme sa Facebook page na "Klasik Titos and Titas of Manila."

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

"HOW TO UNSEE Iba talaga ang humor ng Pinoy! Stick-O you have one job to do!" anila.

HOW TO UNSEE Iba talaga ang... - Klasik Titos and Titas of Manila | Facebook

Umani naman ito ng nakatutuwang reaksiyon at komento sa netizens at marami ang nag-tag kay EJ.

"Official Merch na toooo. Bukod sa Milo abaaa."

"Sana bigyan siya ng unlimited o lifetime supply hahaha."

"Lifetime supply of stick-o for EJ Obiena please. Tapos balato na din sa akin."

"Hala, may mukha na ang Stik-O hahaha, sana gawin siyang endorser.

Si EJ ay pumang-apat sa puwesto sa naganap na pole vault finals. 

MAKI-BALITA: EJ Obiena, nagpasalamat sa suporta: 'I will get back up'

MAKI-BALITA: 'I came short, I'm sorry!' EJ Obiena, emosyunal matapos mag-landing sa rank 4 ng vault finals

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni EJ o maging ang brand patungkol dito.