Binabalak umano ng pamahalaang lokal ng Maynila na bigyang-parangal si Filipino gymnast Carlos Yulo sa pamamagitan ng pagdedeklara ng holiday sa ngalan nito.
Sa ulat ng journalist na si Katrina Domingo nitong Miyerkules, Agosto 14, sinabi umano ni Manila City Mayor Honey Lacuna na plano raw nilang gawing “Carlos Yulo Day” ang Agosto 4.
“They intend to declare this as a holiday particularly to remind Manileños that this was the day August 4, was the day that an ordinary Manileños gymnast won gold medals in the Olympics,” saad ni Domingo.
Ginagawa na umano ng city council ang resolusyon para sa espesyal na araw na nakapangalan kay Yulo at inaasahang matatapos ito bago dumating ang Lunes.
Matatandaang nauna nang ianunsiyo ni Lacuna noong Agosto 6 ang pagkakaloob ng ₱2 milyon para sa Filipino gymnast dahil sa naiuwi nitong karangalan sa bansa mula sa ginanap na Paris Olympics 2024.
MAKI-BALITA: P2M, ipagkakaloob ng Manila LGU kay Carlos Yulo; P500K naman kay EJ Obiena