January 08, 2025

Home BALITA Metro

6-anyos na batang babaeng naglalaro at biglang nawala, nahanap na

6-anyos na batang babaeng naglalaro at biglang nawala, nahanap na
Photo courtesy: Buena Marissa (FB)

Nabulabog ang social media sa panawagan ni Marissa Buena sa publiko para sa mga makapagtuturo kung nasaan ang 6-anyos na batang babaeng si "Risha Joy Buena" matapos daw itong mawala habang naglalaro lamang, nitong Martes, Agosto 13, 2024, sa Mandaluyong City.

Ayon sa Facebook post ni Marissa bandang 11:05 ng gabi, napag-alamang nawawala ang bata dakong 6:00 ng gabi na naglalaro lamang daw. Hindi tinukoy kung sa kalsada o labas ng bahay naglalaro ang bata nang mawala ito. Saad pa ni Marissa, hindi raw lumalayo ang bata kapag naglalaro ito kaya naman laking-pagkabahala nila nang hindi na ito umuwi.

Buena Marissa - Kung cnu man Po nakakita sa Bata na 2 pakitawagan... | Facebook

"Kung cnu man Po nakakita sa Bata na 2 pakitawagan Po kami kanina 6pm pa PO Wala dito naglalaru lang po sya dto saamin hind Naman PO sya lumalayo ngayon lang po talaga nangyari saknya 6years old palang Po siya Sana Kung cnu man Po makakita saknya pakitawagan Po agad kami Oh hind Kaya ichat nyo PO kami Sya po c risha joy buena," aniya pa.

Metro

Mahigit ₱27M shabu mula South Africa, nakumpiska sa NAIA

Sa dagdag na detalye ni Marissa, nakita raw sa CCTV na ang huling kasama niya ay mga pinsan niya. Ang nanay raw niya ay hindi na makatulog kakaisip kung saan na nagsuot ang bata. Nanawagan din sila sa posibleng kumuha kay Risha Joy na isauli na lamang ang bata upang hindi na mauwi sa kasuhan ang mga pangyayari. Sa mga may "galit" naman sa kanila, nakikiusap daw silang huwag idamay ang bata at isauli na lamang sa kanila.

"Halos hind kami makatulog naawa ako sa mama ko nahigh blood na sa kakaisip ky risha joy bakit bakit ," saad ni Marissa sa kaniyang post bandang 1:22 ng madaling-araw, araw na ng Miyerkules, Agosto 14.

Batay sa post ni Marissa bandang 1:48 ng madaling-araw, ay tila may ideya na sila kung sino ang kumuha kay Risha Joy.

Saad niya as published, "Hanggat maaga plang sabhin nyo na agad Kung nasainyo wag nyo na hintay kasuhan pa kau dahil hind nyo alm Ang paghihirap namin para hanapin Yan Bata para na kmi Tanga kakahanap wag nyo narin hintayin mag 24hours dahil my hawak kami na vedio wag nyo idadamay dito Ang Bata Kung may galit kau Ang Amin lang ilabas nyo Kung nasainyo para hind na kmi magmukhang Tanga maghanap pa."

Bandang 4:02 ng madaling-araw, nagbigay ng update si Marissa na isang "Crystal Balais" ang nagsabing nakita raw niya ang bata na may kasamang matandang lalaki sa isang bakanteng lote.

Naalarma si Marissa dahil ang saad ng netizen ay nakita niyang may hinahawakan ang matandang lalaki sa bahagi ng katawan ng nakitang bata, subalit hindi niya tinukoy kung ano ito.

Nakita rin umano niya na sumakay sa isang tricycle ang matandang lalaki kasama ang bata.

Kaya matindi ang pakiusap ni Marissa sa umano'y saksi na makipag-ugnayan sa kanila at sana ay totoo ang kaniyang mga sinasabi.

Buena Marissa - Crystal Balais paki inform Po kami agad plsss ... | Facebook

Bandang 7:59 ng umaga, muling nagbigay ng updates si Marissa. Alam na raw nila kung nasaan ang bata, at batay sa kaniyang post, mukhang nasa kakilala nila si Risha Joy at kinuha nang walang paalam. 

Batay rin sa post, mukhang may hidwaan ang kanilang pamilya na kailangang iresolba. 

"Grabe kau pinagmukha nyo kmi Tanga kakahanap sa Bata tapos ngayon nyo lang umaga sasabhin inuwe nyo na Ng Batangas Kung anung mangyari sa mama ko ipapakulong ko tlga kau lumaban kau Ng patas hind UNG ganito halos wla kmi tulog laht pinagmukha nyo kmi tanga tgnan natin UNG tapang mo sasabhin nyo pa pinapalayas ung Bata at hind pinapalaki Ang kapal Ng mukha nyo," aniya. 

Buena Marissa - Grabe kau pinagmukha nyo kmi Tanga kakahanap sa... | Facebook

Sa isa pang Facebook post, "Kung may problema kau sa familya namin wag nyo idadamay Ang Bata halos nahigh blood na ung mama ko kakaisip halos laht kmi wlang tulog."

"Tandaan nyo Yan hind pa Tau tapos ah kakasuhan namin kau dahil mama mo nahigh blood dahil sa ginawa nyo halos laht kmi wlang tulog," aniya pa.