January 22, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Talak ni Tito Mars, sinupalpal ng guro: 'Analogy mo pa lamang ay bagsak na!'

Talak ni Tito Mars, sinupalpal ng guro: 'Analogy mo pa lamang ay bagsak na!'
Photo courtesy: Teacher Maureen (FB)/Tito Mars Official (FB)

Pumalag ang isang teacher-content creator na si "Teacher Maureen" sa reaction video ng social media personality na si "Tito Mars" kaugnay sa isang balitang may ilang guro daw ang nagrereklamo sa anim o higit pang haba ng oras ng pagtatrabaho na nakaaapekto na raw sa kalusugan.

Punto ni Tito Mars, sana raw ay "mahiya" ang mga guro sa iba pang manggagawa at professionals na lagpas na rin sa oras ng duty nila ang kanilang pagtatrabaho subalit hindi naman daw dumaraing.

"Talaga ba? Anim na oras inirereklamo ng ilan sa inyo? Eh 'di mag-half day na lang kayo," ani Tito Mars. "Mag-four hours a day na lang kayo ng trabaho, hindi kayo nahiya? Hindi kayo nahiya sa ibang mga manggagawa lalong-lalo na sa mga healthcare workers na kung minsan umaabot ng 12 hours 'yong duty pero wala tayong naririnig? Wala tayong naririnig na pagrereklamo nang ganiyan?" aniya.

"Hindi ba dapat bilang mga guro, kayo po 'yong mas nakakaintindi sa mga manggagawa? Eh parang 6 hours, sobrang dami n'yo nang reklamo? Hindi n'yo ba naisip 'yong ibang mga tao diyan na higit 6 hours pa 'yong trabaho araw-araw? Mga medical professionals? Mga nagtatrabaho sa construction. Mga security guard? Mga call center agents? Hindi n'yo ba naiisip 'yong mga taong 'yon?"

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

"My gosh, like hindi ko alam, pero ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng balita. Na 'yong mga guro mismo na dapat sila 'yong nagiging mabuting ehemplo sa mga mamamayan lalong-lalo na sa mga kabataan, eh sila pa 'yong medyo tatamad-tamad. Na parang ayaw magtrabaho, na parang gusto nila ibibigay na lang sa kanila 'yong benefits, na parang gusto nila four hours a day na lang sila magtatrabaho, pero 'yong benefits, 'yong suweldo, eh buo pa rin?"

"Eh para naman pong hindi na tama 'yan? Masyado n'yo naman pong inaabuso? Dati, hndi naman po ganiyan ang mga guro, wala pong gurong ganiyan dati. Pero ngayon, parang 6 hours, masyado na po kayong pagod na pagod? Hiyang-hiya naman po sa inyo 'yong mga nurse, 'yong iba pang mga taong nagtatrabaho sa healthcare workers natin dito sa Pilipinas. Diyos ko!" aniya pa.

MAKI-BALITA: Tito Mars, tinalakan mga gurong nagrereklamo sa haba ng oras ng trabaho

MAKI-BALITA: Kuha-gigil: Netizens, nag-react sa talak ni Tito Mars tungkol sa mga gurong reklamador

MAKI-BALITA: Ilang gurong reklamador, mahiya naman daw sa ibang manggagawa—Tito Mars

Sa mahabang Facebook post ni Teacher Maureen, inisa-isa niya ang kadalasang pinagdaraanan ng mga guro sa kanilang pagtuturo, na hindi lamang nagtatapos sa apat na sulok ng kanilang silid-aralan at walong oras na duty, kundi maging sa kanilang mga tahanan ay nadadala pa ang kanilang mga tungkulin para sa mga estudyante at para sa paaralan, lalo na ang mga nabibigyan ng posisyon o tasks. Gusto nga raw niyang maimbitahan ang online personality sa paaralan upang mas makita niya ang kalagayan ng mga guro.

Maling-mali rin daw ang analogy ni Tito Mars na ihambing sa ibang propesyon ang mga guro.

Narito ang kaniyang buong Facebook post, as published:

Hello, Tito Mars. Can’t talk right now dahil Week 1 pa lang ay paos na ako. Week 2, nagka-ubo’t sipon, trangkaso, and many more. Alam kong hindi lang ako ang guro na nakararanas ng ganito. At siyempre, hindi mo naman iyon alam kase mukha namang hindi ka lumalabas sa lungga mo. Charing! Hahaha So, yeah! Instead of making a video to respond to your “eme-eme” about us teachers, I'll just put it into writing.

Kanina lang ay na-watch ko yung video mo. The whole time, nakatingin pa nga ako sa balbas mo. Seryoso! Tell me, may alam ka ba talaga sa trabaho at buhay ng mga guro? Or ang statement mo ay based lang sa mga nakikita mo sa social media? Kaseselpon mo 'yan eh!

FYI --- 6 hours, yes --- straight teaching. Kumuda ka ng 6 hours na hindi namamaos, magsaway, magturo, at magpaulit-ulit ng instructions. Ilang loads meron ang teacher kada araw? Invite ka nga namin sa school. Kahit ikaw na mag-observe sa amin sa classroom. Then subukan mong gawin ang ginagawa ng isang guro kahit isang araw lang. Sana kayanin ng beauty mo.

I-try mong makipag-deal sa loob ng isang classroom na mayroong 50-60 students or more pa nga sa iba. Again ha? Yung 50-60 na iyon, sa isang classroom pa lang iyon. Kailangan mo laging makipagbuno sa iba't ibang ugali ng mga estudyante. Aminin man natin o hindi, may mga sections kase na mababait, meron din namang maiingay, pasaway, magulo, as in Jurrasic Park!

Huwag ka sanang magmarunong na akala mo nakasubok ka nang tumayo kahit isang oras lang sa loob ng klase. Tayo as in tayo, walang upuan iyon. Imagine, 6 hours? Sa 6 hours na iyon, pagtuturo lang talaga ang gagawin mo. Wala pa dun ang preparation of lesson plans, checking, recording, consultation, reports, meetings, coaching, pag-aaral ng lesson (kase yung iba, na-assign sa subject na hindi naman nila major), interventions, remediations, pagkausap sa mga batang pasaway, pagkausap sa mga magulang na biglang sumusugod, at dahil coordinator ka, adviser ka pa --- kumusta naman na? Matatag ka pa ba? Yung iba, hindi na nga makakain sa lunchbreak kase dinudumog pa rin ng mga estudyante.

So, kelan namin iyon ginagawa? Before or after pa ng 6 hours.... May ilang guro, nag-stay sa school ng 5:30AM to 5:30PM, dahil gusto nila sana na kapag umuwi sila ng kanilang mga pamamahay --- ay wala na silang gagawin. Pero hindi, may pagkakataon na kahit nasa bahay na sila ay gumagawa pa rin sila ng mga school related activities. Bakit? May urgent reports, may kailangang ipasa, may kailangang ihanda dahil may bisita. Ang pag-craft ng Lesson Plan alone, nakaka-consume na ng maraming time ‘yan dahil kailangan mong umisip ng mga activities na pasok dun sa level ng students. Hindi natatapos ang trabaho ng teacher sa 6 hours lamang na iyon. Kahit sa 8 hours pa nga… Sa cases ng iba, ang Saturdays and Sundays, kung hindi nagpapagaling dahil buong linggong namaos o nagkasakit, nilalaan pa rin nila iyon sa preparation for the following weeks naman.

Ang pagkumpara sa mga guro sa ibang manggagawa ay tila hindi mo pinag-isipang maigi, Tito Mars. Analogy mo pa lamang ay bagsak na. Ano ba ang gawain ng mga nurses? Ano ba ang gawain ng mga construction workers? Magkaparehas ba sila ng gawain sa mga guro? Haba nga ba talaga ng pagtatrabaho ang main issue rito? O baka naman mas malalim pa roon?

Buti na lang, lalong pina-iigting ngayon ang paggamit ng Higher Order Thinking Skills ngayon. Di ko alam kung forda content ka na naman o sinadya mong magmaang-maangan, magbulag-bulagan, at kunwari lang wala ka talagang alam kase baka naman ang gusto mo ay may mai-content lang? More bashers, more bashings, more money ba ang motto mo? Alam mo, kaya kami nagsusumikap na hubugin ang mga kabataan araw-araw dahil ayaw naming magkaroon ng isa pang katulad mo. Yung parang kanta ni Lady Gaga na Shallow. Hangga’t maaari, hinihikayat namin silang makita ang katotohanan, malaman ang nangyayari sa kanilang kapaligiran, at hindi maging bulag sa ngalan ng kasikatan.

Now, I’m writing this not only for Tito Mars, kase alam ko namang wala siyang pakialam dito sa mga sinabi ko. Pero sana mabasa ito ng mga nasa comment section ni tito niyo na puro naka-dummy account na kung makapagsalita ay wala naman talagang alam sa buhay ng isang guro. Ang nakikita niyo lang kase ay yung mga nagco-content, nagti-Tiktok, nagva-vlog. Tapos sasabihin ninyo, yun lang ang pinagkakaabalahan ng mga teachers? Ang mga nakikita niyo sa social media ay malayong-malayo sa katotohanan para sa ibang guro. Baka kapag nag-content sila ng mga makatotohanang ganap nila sa buhay ay pati kayo ma-strrrrrwwwwweeessssss. Charinggggg!!!!!

Anyway, stay infamous, Tito Mars! Who or whatever you are...

Teacher Maureen - Hello, Tito Mars. Can’t talk right now dahil... | Facebook