December 23, 2024

Home BALITA National

Alice Guo, tinanggal na sa pagiging mayor ng Bamban, Tarlac

Alice Guo, tinanggal na sa pagiging mayor ng Bamban, Tarlac
Mayor Alice Guo (file photo)

Tinanggal na ng Ombudsman si Alice Guo mula sa pagiging alkalde ng Bamban, Tarlac matapos itong hatulang “guilty” ng grave misconduct.

"The Office finds Alice Leal Guo guilty of grave misconduct for which she is meted with dismissal from service with forfeiture of all her retirement benefits and perpetual disqualification to re-enter government service," anang ruling ng Ombudsman na inulat ng ABS-CBN News.

Idinadawit si Guo sa na-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Bamban, bagay na paulit-ulit naman niyang tinanggi.

Bukod dito, pinagsususpetsahang din si Guo na isa umanong Chinese national, kung saan noong Hunyo 18, 2024 ay inilabas ni Senador Win Gatchalian ang isang dokumento na nagsasabing may posibilidad umanong “Guo Hua Ping” ang tunay na pangalan ni Guo.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

MAKI-BALITA: Mayor Alice Guo, may tunay nga bang pangalan na ‘Guo Hua Ping’?

Pagkatapos nito, Hunyo 27, 2024 nang isiwalat ni Senador Risa Hontiveros na kinumpirma na ng National Bureau of Investigation (NBI) na iisa lamang si Guo at ang Chinese national na si “Guo Hua Ping.”

MAKI-BALITA: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros

Noong lamang namang Hulyo 13, 2024 nang maglabas ang Senado ng arrest order laban kay Guo dahil sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig ng Senate committee noong Hunyo 26, 2024 at Hulyo 10, 2024, kaugnay ng na-raid na POGO hub sa Bamban.

Bukod sa suspendidong alkalde ay inihain din ang arrest order laban kina Dennis Cunanan, Nancy Gamo, Sheila Guo, Wesley Gui, Jian Zhong Go, Seimen Guo, at Wenyi Lin.

MAKI-BALITA: Senado, naglabas na ng arrest order vs Alice Guo

Habang sinusulat ito’y hindi pa naman natutunton ang kinaroroonan ni Guo.