January 22, 2025

Home BALITA National

Mungkahi ni VP Sara, hindi patama sa administrasyon —Padilla

Mungkahi ni VP Sara, hindi patama sa administrasyon —Padilla
Photo Courtesy: Robin Padilla, Sara Duterte (FB)

Tila kinatigan ni Senador Robin Padilla si Vice President Sara Duterte sa mga inilabas nitong sentimyento tungkol sa palpak na flood management ng gobyerno.

MAKI-BALITA: 2 beses nakaranas ng baha: VP Sara, nanawagang pondohan infrastructure projects

Sa inilabas na pahayag ni Padilla sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Agosto 10, sinabi niyang ang mungkahi umano ni Duterte ay hindi patama sa administrasyon.

“Ang mungkahi mula sa pangalawang Pangulo lalot patungkol sa ikaaayos ng pag gogobyerno ay para sa pangkalahatan na nasa gobyerno hindi patama sa administrasyon lamang. Mula 1987 hanggang ngayon kasama ako lahat ng mga namuno sa tatlong Şangay ng gobyerno…ay Guilty sa kapabayaan,” saad ni Padilla.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“Hindi nagkulang ang taongbayan sa paghalal sa mga nangako ng pag ahon sa kahirapan. Nangutang po tayo.Namuhunan po ang taongbayan para sa kanilang pag unlad. Ang Mayaman lalo ang Mahirap ang bawat Pilipino ay may utang ng 150k dapat wala ng nangyaring kapalpakan sa Flood Management kung may nagawa na kami mula sa masterplan ng dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr.,” aniya.

Sa huli, pinaalalahanan ni Padilla ang mga kasama niya sa gobyerno na si Duterte ang may pinakamaraming boto na nakuha noong 2022 national elections.

“Paalala na rin po sa ating mga kasama sa gobyerno siya po ang may pinakamalaking boto noong nakaraan na eleksyon. Marahil hudyat din para maging boses ng taongbayan sa atin na nasa gobyerno,” aniya.

“Moving forward tayo mga kasama sa gobyerno. May apat na taon pa tayo para may matapos sa naumpisahan sa panahon natin,” pahabol pa ng senador.

MAKI-BALITA: 'May pinatatamaan?' Mga lider, 'di dapat namo-motivate ng 'cocaine, champagne' -- VP Sara