January 22, 2025

Home BALITA National

Escudero sa rant ni VP Sara tungkol sa kawalan ng flood masterplan: 'Her dad had 6 years'

Escudero sa rant ni VP Sara tungkol sa kawalan ng flood masterplan: 'Her dad had 6 years'
photos courtesy: Senate PRIB, Sara Duterte/FB

Sinagot ni Senate President Chiz Escudero ang pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa kawalan ng flood masterplan ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Ayon kay Escudero, matagal nang problema ng bansa ang pagbaha. Aniya pa, may anim na taon noon ang ama ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang ayusin ang problema ngunit hindi rin ito nagawa.

"What is perplexing is her questioning the absence of a flood masterplan two years into the administration of PBBM after the previous administration had six years to develop one, but was unable to do so," anang senate president nitong Biyernes, Agosto 9.

"Matagal nang problema ang pagbabaha sa bansa; kung meron kasing nagawa na o nasimulan man lang po noon, eh di meron na po sana tayong napapatupad na ngayon," dagdag pa niya. 

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Pagbibigay-diin pa ni Escudero, marami raw iba pang problema ang bansa kaya imbes daw na magturuan, magtulungan na lamang.

"We have other problems, but the focus of the Senate is to address them, and not just point," aniya. "Imbes na magturuan at magsisihan, mas mainam na magtulungan na lang tayo para tugunan ang mga problema ng ating bansa at mga kababayan."

Gayunman, sinabi rin ng senate president na may karapatan naman ang bise presidente na maglabas ng saloobin tungkol sa mga kinahaharap ng bansa.

"The Vice President, like every Filipino, has the right to point out the problems confronting our countrymen," ani Escudero.

Dagdag pa niya, "Unlike ordinary citizens, however, she can actually suggest or do something tangible about them using her position, resources and platform."

Matatandaang nanawagan ang bise presidente sa administrasyon ni PBBM na pondohan ang infrastructure projects matapos niyang ibahagi ang kaniyang sariling karanasan sa baha.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na dalawang beses daw silang binaha at naranasan ding lumusong mismo sa tubig baha na hanggang dibdib ang taas.

Bukod dito, nanawagan din ang bise presidente sa administrasyong Marcos na pondohan ang mga proyekto sa imprastraktura na naaayon umano sa Master Plan and Feasibility Study for Flood Control na nagawa raw sa ilalim ng administrasyon ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

BASAHIN: 2 beses nakaranas ng baha: VP Sara, nanawagang pondohan infrastructure projects