September 13, 2024

Home FEATURES Lifehacks

'Pagod na kaka-swipe?' Lalaki, ibinalandra sarili sa billboard para makahanap ng ka-date!

'Pagod na kaka-swipe?' Lalaki, ibinalandra sarili sa billboard para makahanap ng ka-date!
photos courtesy: date_dave_philly/IG

Dahil pagod na kaka-swipe sa mga online dating apps ang 28-anyos na lalaki mula sa Philadelphia, USA, naisipan niyang magpa-billboard para makahanap ng ka-date! 

Si Dave Kline ay isang data manager. Gumastos siya ng mahigit $1000 for 1 month (₱57,000) para sa billboard. 

Nakalagay sa billboard ang qualities niya kagaya ng marunong daw siya magluto, may normal hobbies, may alagang pusa (kasama pa nga sa picture), at ipinagmalaki niyang nagpa-billboard siya. 

Sa mga gusto raw na maka-date siya, i-message lang daw siya sa kaniyang Instagram. 

Lifehacks

ALAMIN: Saan nga ba makakakuha ng libreng ticket para sa 2024 Manila International Book Fair?

Chineck ng Balita ang Instagram niya. Last July 2024 pa siya nagpa-billboard. Sa isa pang Instagram post, ipinagdiinan niyang single siya.

"It may shock you to know, but the guy who bought a billboard as a funny hehe haha really is actually 100% single! If you live in Philadelphia (or anywhere with central AC) feel free to send me a message!" ani Dave.  

Sa interview niya sa 6abs Philadeplhia, sinabi niyang maraming babae ang nagme-message na sa kaniya.

"It’s just supposed to be funny for the most part, but I’m not gonna lie that the added benefit is that girls are messaging me first now, which is great," sey ni Dave.

At para sa'yo na single, dalawa lang 'yan. Ime-message mo si Dave or magpapa-billboard ka rin.