May 22, 2026

Home BALITA National

Pag-freeze sa bank account ni Quiboloy, deserve raw sey ni Hontiveros

Pag-freeze sa bank account ni Quiboloy, deserve raw sey ni Hontiveros

Deserve raw ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na ma-freeze ang mga bank account at ari-arian nito ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Nitong Huwebes, iniatas ng Court of Appeals (CA) ang pag-freeze sa 10 bank accounts, pitong real properties, limang motor vehicles, at isang aircraft ni Quiboloy.

BASAHIN: CA, pina-freeze bank accounts, properties ni Quiboloy

"Deserve. Dapat lang yan sa mga tulad ni Quiboloy na sukdulan ang kasakiman. Nagpapasalamat tayo sa AMLC sa kanilang aksyon. This is the second freezing of bank accounts after the ones in the US," saad ni Hontiveros.

Saad pa ng senadora,"Hopefully, this freezes Quiboloy’s ability to escape. Hopefully also, our local entities can work with their foreign counterparts to stanch the flow of money to offshore accounts."

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

 Ito na raw ang umpisa sa pagkamit ng hustisya. 

"Umpisa na ito ng pagkamit ng hustisya. He exploited the faith and goodwill of many Filipinos— mula sa mga menor de edad na pilit pinaglimos, pati sa mga OFW na nagpapakahirap sa ibang bansa para lang makapagbigay sa KOJC. Katapusan na ng pagpapakasasa ni Quiboloy. We will not stand idly by while scammers and con artists prey on hardworking Filipinos."

Samantala, matatandaan namang kinumpirma ni PRO 11 Regional Director PBGen Nicholas Torre III na nasa compound pa umano ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang pastor at apat pang kapwa-wanted nito.

Noong buwan ng Hulyo nang ianunsyo ni DILG Secretary Benhur Abalos na bibigyan ng ₱10 milyong pabuya ang sinumang makapagbibigay ng impormasyong magiging dahilan ng pagka-aresto kay Quiboloy.