May 20, 2026

Home BALITA National

CA, pina-freeze bank accounts, properties ni Quiboloy

CA, pina-freeze bank accounts, properties ni Quiboloy
Court of Appeals at Pastor Apollo Quiboloy (MB file photo)

Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) na i-freeze ang mga bank account at ari-arian ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Base sa order na may petsang Agosto 6, 2024, iniatas ng CA ang pag-freeze sa 10 bank accounts, pitong real properties, limang motor vehicles, at isang aircraft ni Quiboloy.

Sakop din umano ng naturang order ang 47 bank accounts, 16 real properties at 16 motor vehicles sa ilalim ng KOJC at Swara Sug Media Corporation na nag-o-operate ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Ayon sa CA, magiging epektibo ang freeze order sa lalong madaling panahon at tatagal sa loob ng 20 araw.

Sinabi ng korte na nakahanap ito ng  reasonable ground upang maniwalang ang mga bank account ni Quiboloy ay nakaugnay sa mga labag sa batas na aktibidad, tulad ng trafficking at child and sexual abuse.

National

Arrest warrant kay Dela Rosa, valid; lahat ng ebalwasyon ng SC, ibabato sa DOJ—Palasyo

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa kasong “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”

Samantala, matatandaan namang kinumpirma ni PRO 11 Regional Director PBGen Nicholas Torre III na nasa compound pa umano ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang pastor at apat pang kapwa-wanted nito.

Noong buwan ng Hulyo nang ianunsyo ni DILG Secretary Benhur Abalos na bibigyan ng ₱10 milyong pabuya ang sinumang makapagbibigay ng impormasyong magiging dahilan ng pagka-aresto kay Quiboloy.

MAKI-BALITA: P10M pabuya, ibibigay sa makapagtuturo kay Quiboloy -- Abalos

Samantala, nito lamang Agosto 4 nang ihayag ng abogado ni Quiboloy na nag-aalok naman ng ₱20 milyon ang KOJC para sa makapagsasabi umano kung sino ang nag-donate ng naturang ₱10 milyong pabuya sa DILG para mahuli ang pastor.

MAKI-BALITA: KOJC, nag-aalok ng P20M para matukoy nagbigay pabuya para mahuli si Quiboloy