September 21, 2024

Home SHOWBIZ

Chloe San Jose isponsoran daw sana pagbabati ng jowa, future biyenan

Chloe San Jose isponsoran daw sana pagbabati ng jowa, future biyenan
Photo courtesy: Arnold Quizol (MB)/Chloe San Jose (IG)/Ogie Diaz (FB)

May mungkahi ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa girlfriend ni two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo, na si Chloe San Jose.

Sey ni Ogie sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 7, marami na raw premyo si Carlos dahil sa iba't ibang sponsors, pero ang pinakamaganda raw sana, may mag-sponsor naman ng reconciliation ng mag-ina.

At sana raw, si Chloe na ang mag-initiate nito para naman smooth-sailing ang maging relasyon nila ng kaniyang future mother-in-law, kung sakali nga naman na sila na ni Caloy hanggang dulo at humantong na sila sa kasalan.

Ani Ogie, "Pero bago pa maisipan ni Boss Vic del Rosario na bigyan si Carlos ng lifetime free subscription ng Vivamax, sana, may mag-sponsor din ng pagbabati ng mag-ina. Aba, walang katapat na halaga yon, kung sakali."

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

"At ang mas magandang mag-sponsor ng kanilang pagbabati — yung girlfriend ni Carlos. Kung willing magpakumbaba para ma-love na siya ng kanyang future biyenan," dagdag pa.

Matatandaang sa isinagawang press conference ng kampo ni Angelica Yulo nitong Miyerkules, Agosto 7 kasama ang legal counsel na si Atty. Raymond Fortun, nilinaw ng ina ni Carlos na kaya lamang siya nakapagsabi ng hindi magaganda laban sa kasintahan ng anak ay dahil iniisip lamang niya ang kapakanan nito.

Sa mga panayam kasi kay Angelica bago pa ang presscon, nasabi na niya na isa sa mga dahilan kung bakit nagkasamaan sila ng loob ni Carlos ay dahil sa jowa nitong si Chloe na nanirahan sa Australia.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Chloe tungkol dito.

MAKI-BALITA: Sa mga sasawsaw pa: Mag-inang Carlos, Angelica Yulo sana pagbatiin na