May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sa mga sasawsaw pa: Mag-inang Carlos, Angelica Yulo sana pagbatiin na

Sa mga sasawsaw pa: Mag-inang Carlos, Angelica Yulo sana pagbatiin na
Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)/Chloe San Jose (IG)/Arnold Quizol (MB)

Nagbigay ng kaniyang saloobin ang showbiz insider na si Ogie Diaz hinggil sa pinag-uusapang girian sa pagitan ng mag-inang Carlos at Angelica Yulo, kaugnay sa isyu ng pera at pakikipagrelasyon ng two-time Olympics gold medalist at Filipino pride ng men's artistic gymnastics kay content creator Chloe San Jose.

Ayon sa Facebook post ni Ogie nitong Huwebes, Agosto 8, kung makikisawsaw daw ang sinuman sa bangayan ng dalawa, sana raw ay naisin pa ring magkaayos na ang mag-ina.

"Kung makikisawsaw tayo, hangarin pa rin natin na magkaayos ang mag-inang Angelica at Carlos Yulo. Di naman naiiba ang pamilyang yan sa ibang pamilya. May kanya-kanya ding problemang kinakaharap. Nagkataon lang na sikat si Carlos na imbes na tuloy-tuloy lang ang momentum ng celebration eh nahaluan pa ng sagutan nilang mag-ina," anang Ogie.

"Natutuwa tayo para kay Carlos kasi tuloy-tuloy lang ang mga incentives at rewards na dumarating sa kanya mula sa mga sponsors. Aabot na yata ng 100M. Dami pang nag-i-sponsor ng unlimited kain sa mga restaurant."

Singit pa ni Ogie, sana raw ay may mag-sponsor naman ng pagbabati ng mag-ina, at hirit niya, sana raw ang jowa ni Caloy na si Chloe San Jose ang magbigay nito.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Pero bago pa maisipan ni Boss Vic del Rosario na bigyan si Carlos ng lifetime free subscription ng Vivamax, sana, may mag-sponsor din ng pagbabati ng mag-ina. Aba, walang katapat na halaga yon, kung sakali."

"At ang mas magandang mag-sponsor ng kanilang pagbabati — yung girlfriend ni Carlos. Kung willing magpakumbaba para ma-love na siya ng kanyang future biyenan," aniya pa.

Ogie Diaz - Kung makikisawsaw tayo, hangarin pa rin natin na... | Facebook

Matatandaang sa isinagawang press conference ng kampo ni Angelica Yulo nitong Miyerkules, Agosto 7 kasama ang legal counsel na si Atty. Raymond Fortun, nilinaw ng ina ni Carlos na kaya lamang siya nakapagsabi ng hindi magaganda laban sa kasintahan ng anak ay dahil iniisip lamang niya ang kapakanan nito.

Sa mga panayam kasi kay Angelica bago pa ang presscon, nasabi na niya na isa sa mga dahilan kung bakit nagkasamaan sila ng loob ni Carlos ay dahil sa jowa nitong si Chloe na nanirahan sa Australia.

MAKI-BALITA: Kilalanin: Chloe San Jose, ang babaeng tumambling sa puso ni Golden Boy Carlos Yulo

MAKI-BALITA: Angelica Yulo sa pagpuna sa jowa ng anak: 'Ina lang ako na nag-aalala'

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, pinabulaanan mga pahayag ng ina laban kay Chloe San Jose

MAKI-BALITA: Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila??  

MAKI-BALITA: Dahilan ng sigalot? Jowa ni Carlos Yulo, pinalagan ang 'future mother-in-law'