December 23, 2024

Home FEATURES Lifehacks

Si Carlos Yulo at ang kaniyang 'tupperware'

Si Carlos Yulo at ang kaniyang 'tupperware'
screenshot: One Sports/YouTube

"Kaya siguro nagalit si mother, hindi pa naiuuwi 'yung tupperware."

Isa ito sa mga kwelang komento na natanggap ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo nang ma-curious ang mga netizen tungkol sa kaniyang 'tupperware.'

Sa panayam niya sa One Sports kamakailan, ikinuwento ni Yulo kung bakit lagi siyang may dalang tupperware.

"Ayun po kasi 'yung nakasanayan namin sa Japan sa training po. Every time na pupunta sa ibang competition, may dala po talaga kaming tupperware. 'Yung sa kanila nga malaki pa po eh, sa akin kasi mag-isa lang naman po ako so hindi ko po kailangan ng gano'ng kalaki na [lalagyan]. 'Yung handy lang saka 'yung madaling dalhin po," ani Yulo.

Lifehacks

Pag-require sa bagong empleyadong mag-perform sa Christmas party, labag sa batas?

Ang laman ng 'tupperware' ay powdered chalk, kung saan ginagamit ito ng mga gymnast para mapanatiling tuyo ang kanilang kamay. 

Ang 'Tupperware' naman ay isang brand ng plastic container. Nakasanayan na rin ng mga Pinoy na 'tupperware' ang tawag sa mga plastic na lalagyanan o baonan. 

Samantala, narito pa ang iba pang komento ng netizens:

"Yung mga nagjoke na magagalit nanay nya kapag nawala nya ung tupperware"

"Noong elementary days ko. Mawala na lahat school supplies ko wag lang tupperware ni mama. Nagiging supersayan siya bigla."

"Tupperware talaga! Congratulations to you! Pinoy Pride!"

"Bibilhin ni boss toyo yan"

KAUGNAY NA MGA BALITA:

Bukod sa medalya: Nag-uumapaw na 'ginintuang premyo,' naghihintay kay Carlos Yulo

Dahilan ng sigalot? Jowa ni Carlos Yulo, pinalagan ang 'future mother-in-law'

Hahatian ba ang madir? Carlos nagsabi na kung anong gagawin sa mga premyo, cash incentives!