December 22, 2024

Home SPORTS

Urirat ng netizens: ‘So isa pang ₱24M condo unit para kay Carlos Yulo?’

Urirat ng netizens: ‘So isa pang ₱24M condo unit para kay Carlos Yulo?’
Photo courtesy: Megaworld Corporation (FB)/via MB Sports

Matapos muling magwagi ng gintong medalya ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo para sa vault finals ng men's artistic gymnastics sa 2024 Paris Olympics, napapatanong ang mga netizen kung magkakaroon ba ulit ng isa pang premyong ₱24M worth ng condominium unit ang atleta mula sa Megaworld Corporation.

Matatandaang nauna nang nagbigay ng condominium unit ang Megaworld kay Yulo matapos niyang maka-ginto sa floor exercise noong Agosto 3.

MAKI-BALITA: ₱24M na condo sa BGC, naghihintay na kay Carlos Yulo

Kaya nakaabang ang mga netizen sa post ng Megaworld kung may isa pa ulit makukuhang condo si Yulo.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Nag-post naman ang Megaworld sa kanilang opisyal na Facebook page subalit walang nabanggit kung makatatanggap pa ulit ng isa pang condo unit si Yulo.

"EXTRAORDINARILY WELL DONE! A night after winning his first Olympic gold medal, Caloy Yulo rewrites history by claiming the Philippines' second gold at the 2024 Paris Olympic Games to become the only Filipino athlete to win multiple Olympic gold medals," mababasa sa post.

Dagdag pa, "Thank you for showing the world what Filipino excellence is all about. We are proud of you, Caloy!"

Kaya naman, biniro ng mga netizen ang Megaworld sa comment section.

"Post lang? Wala na ulit condooo? Hahaha"

"penthouse po ba ibibigay or double unit? Also waive po ba ang condo fees?"

"Syempre isa lang ibibigay nila, kasi each filipino gold medalist nakalagay hindi each gold medal. Haiii naku, kakatiktok ng mga tao ngayon."

"Make sure he gets the two 2-bedroom units in BGC…sana free na rin ung association dues and other turnover fees!"

"Ilang condo na po? Hahaha."

EXTRAORDINARILY WELL DONE! A night after... - Megaworld Corporation | Facebook

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang Megaworld tungkol sa mga urirat ng netizen.